^

Pang Movies

AiAi at Direk Louie kuhang-kuha ang mensahe sa nasunog na simbahan sa Paris

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi at Direk Louie kuhang-kuha ang mensahe sa nasunog na simbahan sa Paris
AiAi de las Alas

Ibinahagi ni AiAi de las Alas ang post ni Direk Louie Ignacio nang magising siya nu’ng madaling araw ng Martes Santo sa ating bansa na nasusunog ang 856 years old na Notre Dame Cathedral sa Paris, France.

Ayon sa bahagi ng post ni direk Louie, “Para sa akin ay isang mahalagang mensahe ngayong Holy week ang nangyari, na kahit ikaw na ang pinakamaganda, pnakamatagal, pinaka-MATIBAY pinaka mamahal ng mga tao, pinakasikat, PAG GINUSTO NG PANGINOON NA KUNIN KA MULI lahat ay mawawawala ito.

“Ito yung aral para sa atin ngayong Semana Santa. Matutong maging humble. Di natin alam kung kelan babawiin ang lahat na meron tayo, pati buhay natin di natin alam kung hanggang saan.

“Kelan lang sa mga nasaktan ko, nakagalit ko nakaaway...sorry at sana mapatawad nyo rin ako...sa mga nagkasala sa akin ay mapatawad ay pinapatawad ko din kayo.

“Salamat sa Panginoon sa buhay na ibinuwis mo para sa akin at sa mga aming lahat na makasalanan. AMEN!!!”

“Always be humble...at maging mabait sa kapwa amen...tnx direk sa post na ito,” saad naman ng Comedy Queen.

Paalala ni Ai sa statement na inilabas sa sariling IG, “Paulit-ulit mang masira ang ating mga pook-simbahan mananatili pa ring matatag ang ating pananalig sapagkat kapiling natin ang Diyos. Tayo ang katawang mistiko ng Panginoon. Tayo ang simbahan. BANGON, NOTRE DAME PARISH!”

Ngayong Semana Santa, natapos na ang panata ni AiAi na magsagawa ng tradisyunal na Pabasa o pagbabasa ng Pasyon ni Hesus sa sariling bahay.

Ang pinaghahandan niya after ng showing ng Viva movie niyang Sons of Nanay Sabel ay ang malaking conert niya sa Araneta Coliseum sa June para sa tulong niyang pagpapatayo ng Kristong Hari Church sa bandang Fairview.

AIAI DE LAS ALAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with