Gustong sumubok ng iba, Jericho ayaw nang gumawa ng teleserye!
Ayaw na ring gumawa ni Jericho Rosales ng teleserye. Ang Halik na raw ang kanyang last at inanunsyo niya ito kahapon sa finale presscon ng nasabing teleserye.
Ayon kay Echo, gusto naman daw niyang i-challenge ang sarili at gumawa ng bago’t kakaiba lalo na nga na nag-iba na rin daw ang panahon ngayon.
“I’ve been working on soap operas or TV shows for 23 years now. It’s actually a good question na hindi ako prepared to answer right now but I have a clear answer in my head. I don’t wanna do soaps anymore,” pahayag ni Echo.
“Is that a problem for me? No. Do I wanna stop TV? No. It’s the time for me to challenge myself to create something new for myself. And hopefully it works,” patuloy pa ng aktor.
Pero sa soap opera lang naman daw niya gustong grumadweyt at open pa rin siya sa ibang TV project.
“But a different kind of TV show? Why not. It’s a world now of digital. We don’t know where things are going. It’s a season where each and every actor can create can direct, can produce, can write and one of the very few that actually offered me that is Ruel Bayani,” he said.
Three years ago pa raw niya ito napagdesisyunan pero hindi niya raw naitutuloy parati dahil nga nagkaroon lagi ng offer to do a drama series na hindi rin naman daw niya matanggihan.
Hindi rin daw ibig sabihin nito ay pagod na siya at sa halip ay inspired and excited daw siya to do something new pa nga.
Saan naman niya isisingit ang personal matters with wife, Kim Jones? Of course, gusto ng lahat na malaman kung may baby plans na ba sila.
“I’m so blessed to have a beautiful wife who actually has the same passion. We talked about it already, she’s going to study, I’m going to study, she’s building a company, I’m rebuilding myself and her job is abroad, we’ve had the set-up for a very long time now.
“Na if she wants to study, if I want to study for 3 or 5 months and magkita kami somewhere kung saan mang parte ng mundo, we’re fine with that.
“This is the reason why we don’t want to have kids muna. Because we feel that sa buhay namin, parang ang daming umagaw ng mga gusto naming gawin sa buhay namin.
“Kaya parang bringing a baby into this world is not a good idea kasi kawawa ‘yung baby. Papatayin namin ang mga pangarap namin dahil gusto naming mag-baby. Wala namang nagpe-pressure sa aming magka-baby, di ba?
“Ano, kultura lang at tradisyon? May anak ako na mahal na mahal din ni Kim, nagmamahalan kaming apat. So, it’s a wonderful family, parang ganu’n. I have the best set-up right now,” paliwanag ni Echo.
Pareho raw silang hindi pa ready ngayon na magkaroon ng baby pero kung ibibigay naman daw ni Lord, bakit naman daw hindi.
Samantala, huling dalawang linggo na ang Halik na talaga namang naging napakainit ng pagtanggap ng mga manonood. Isa ito sa most-talked about teleseryes in 2018 at halos gabi-gabi ay trending sa social media ang episode.
Dito rin nakaranas ang mga bida na sina Echo, Sam Milby, Yam Concepcion at Yen Santos ng mga katakut-takot na reaksyon mula sa mga manonood especially Sam and Yam na gumaganap na Ace and Jade respectively dahil sa kanilang panloloko sa kani-kanilang asawang sina Lino and Jacky na ginagampanan naman nina Echo and Yen.
Bukod sa most-watched show din sa iWant ang Halik, umabot na rin sa Africa ang kwento nina Lino, Jade, Jacky, at Ace dahil napapapanood na rin ang serye sa Tanzania mula noong Pebrero.
- Latest