^

Pang Movies

Concert nina James, Billy, at Sam, world class ang level

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Iisa ang sinasabi ng mga nanood ng The Cr3w, ang concert nina James Reid, Billy Crawford at Sam Concepcion noong Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum. Ang show ay world class at kayang itapat sa mga international concert. Sinasabi pang mas magandang ‘di hamak iyon kaysa sa mara­ming iba pang concerts na ginagawa ng mga Koreano at iba pang Asyano dito sa Pilipinas.

May nagsasabi pang ang concert ay maaari ngang maipadala sa abroad, at talaga namang maipagmamalaki natin.

Nasa tulungan nilang tatlo iyan eh. Iyong klase talaga ng musika ni Sam. Iyong mga bagong klase ng musika ni James, at ang pinaka mahalaga sa lahat iyong karanasan ni Billy sa international scene na siyang dahilan kung bakit ganoon lumabas ang kanilang concert.

Marami ang nanghihinayang kung bakit daw hindi naisipan ng mga producers na gawing dalawang araw ang show. Pero siguro naman baka madala nila iyan sa iba pang key cities dito sa ating bansa kagaya ng ginagawa nila sa iba pa nilang mga concerts.

Kung iisipin din nating mabuti, talagang kayang-kaya ng mga Pinoy talent  ang performances na ginagawa ng mga dayuhan. Bakit sila nakakapasok sa ibang mga bansa, pati na nga sa bansa natin, at bakit hindi rin natin gawin iyon kung talagang magagaling nga tayo.

Siguro ang isa sa maaaring sabihing dahilan ay ang kakulangan ng mga producer natin sa puhunan. At ganyan din naman ang problema ng Korea noong una, hanggang sa makuha nga ng kanilang entertainment industry ang suporta ng mga banking institution. Nakita ng financial experts ang potentials ng entertainment sa kanilang bansa, kaya tumulong sila para puhunanan iyon.

Hindi ba magagawa rin ang ganyan sa Pilipinas?

Ate Vi balik na agad sa trabaho

“Monday back to work na ako,” sabi ni Congresswoman Vilma Santos, matapos na mailagak na sa huling hantungan ang mga labi ng kanyang ina sa St. James The Great Parish sa Alabang. “Kailangan ko nang magbalik trabaho. Tama na iyong isang araw na pahinga. Nakita naman ninyo hanggang sa wake mayroong mga gustong makipag-usap sa akin, at kailagan kong harapin lahat iyon,” sabi pa ni Ate Vi.

Natawa na lang si Ate Vi sa comments sa mga endorsement na nakukuha ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

“Simula’t simula, wala akong endorsement ng kahit na sino. May mga kaibigan tayong artista na basta na lang dumadating at sumusuporta, pero hindi ko hiningi iyon. Iyong mga Vilmanian, iyan ang lagi kong kasama, pero sa kanilang effort din iyon. May mga higher officials na nag-eendorse rin, pero kusa rin nila iyon. Ever since hindi ako kumuha ng mga endorser eh.

“Iyong trabaho ko, iyong pakikiharap ko sa mga tao, iyon ang hinahawakan ko. Iyong nanalo na tayo ng pinakamataas na award for public service, iyon ang isa pang ipinagmamalaki ko. Ang tao, hindi mo makukuha sa mga ganyang endorsements eh. Ang kailangan serbisyo. Ang kailangan accomplishments,” sabi pa ni Ate Vi.

Totoo naman iyon kahit na saan, ang talagang hinahanap ng mga tao sa ngayon ay iyong totoong serbisyo sa bayan. Iyan ang inilalaban, hindi iyong kung anu-anong pakulo na hindi naman pinapansin ng mga tao kahit na saan.

THE CR3W

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with