^

Pang Movies

Sylvia kakaiba ang mga niluluto

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sylvia kakaiba ang mga niluluto
Sylvia

Ang sarap sana kung nakapunta ako sa invitation ni Sylvia Sanchez at Art Atayde sa lunch dahil nag­luto siya ng ginataang kamias.

Fascinated ako na matikman ang mga luto ni Sylvia na laging pinupuri ni Jun Lalin at iniinggit ako na masarap magluto ang nanay ni Arjo Atayde.

Nasabay kasi ang imbitasyon nina Sylvia at Art sa lunch namin ni Gigi Asok-Bambroffe.

May soft spot sa puso ko sina Art at Sylvia dahil nang maging member kami ni Gorgy Rula ng Oasis of Love Charismatic Community noong 1994, sila ang nag-welcome sa akin.

Love ko rin ang ugali ni Art na very friendly dahil siya pa ang nauuna na bumati sa amin kapag nagkikita kami. Thank you for the invitation Sylvia and Art, love you.

Banig bag ipapakilala sa UK

Nandito na naman sa Pilipinas si Gigi, ang friend namin na London-based.

Balak na ni Gigi na mag-introduce ng mga local banig bag sa United Kingdom.

Sa tuwing dumarating si Gigi sa Manila, sure na meron lunch chat kina Gorgy, Noel Ferrer at Allan Diones.

At siyempre, segue way sa meeting din kay Jun at Bernard Cloma. Sa rami ng friends ni Gigi sa Pilipinas, halos buong time niya, nauubos sa lunch at dinner invites ng kanyang mga kaibigan.

Kahit nasaang lugar ang isang tao, kahit masarap na ang buhay nila sa ibang bansa, mas gusto pa rin nila na makipagkuwentuhan sa  mga dating friends dahil at home sila.

Lorna misteryoso ang role

Intrigang-intriga ang viewers ng Ang Probinsyano dahil nahihirapan sila na hulaan ang Lily character ni Lorna Tolentino sa Ang Probinsyano.

May mga nagsasabi na bida siya pero mas marami ang naniniwala na kontrabida si Lily na sobrang misteryosa. Hindi ko naman puwedeng i-reveal ang truth tungkol sa role ni Lorna pero isang bagay ang sure ako, hindi Monteverde ang family name ng karakter niya.

Ipinasok ang karakter ni Lily sa top rating primetime show ni Coco Martin dahil next week, may mga magpapaalam, ang mga karakter nina Edu Manzano at Jhong Hilario na mga kandidato sa midterm polls.

Mikey, sure win na

Kandidato na konsehal sa second district ng Quezon City si Mikey Belmonte na sure winner dahil apo siya ni Congressman Sonny Belmonte at pamangkin ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Anak si Mikey ni Papa Miguel, ang boss namin dito sa Star Group of Companies. Gustong sundan ni Mikey ang yapak sa public service ng kanyang Lolo Sonny at Ninang Joy kaya nag-decide siya na kumandidato bilang konsehal ng 2nd District ng Quezon City.

Three months ago, personal na pinuntahan ni Mikey ang bahay ni Mark Angelbert Rivera, ang 11-year old boy na nagpadala ng sulat kay Papa Miguel dahil dream ng bagets na maging journalist. Tinutulungan ni Mikey si Mark para matupad ang pangarap nito na maging journalist at malay natin, years from now, baka reporter na rin si Mark ng mga diyaryo ng Star Group.

SYLVIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with