^

Pang Movies

Doraemon, Kapamilya na

Pang-masa
Doraemon, Kapamilya na

MANILA, Philippines — Masayang panonood ang hatid ng ABS-CBN para sa mga bata dahil isa nang Kapamilya si Doraemon.

Sa isang trade event kamakailan sa Green Sun Hotel Axon, ang robot cat, kasama ang kanyang mga kaibigang sina Nobita, Shizuka, Suneo, atTakeshi ay ipinakilala bilang Kapamilya, matapos makipag-partner ang ABS-CBN Acquisitions and International Sales Distribution (ISD) division at Animation Intl. Ltd., ang kumpanyang may distribution rights sa “Doreamon” franchise.

“Masaya kami dahil isa nang Kapa­milya si Doraemon. Matagal na rin naming itong inabangan at naniniwala kaming mahalaga ito para sa ating mga batang manonood, na matagal ring inaabangan si Doraemon sa ABS-CBN,” sabi ni ABS-CBN Acquisitions at ISD head Macie F. Imperial.

Simula sa Mayo, masusundan na ng kabataan ang Doraemon sa, YeY! ng ABS-CBN TVplus.

Si Doraemon ay isang robotic cat na pinadala ng mga kamag-anak ni Nobita sa malayong panahon, para gabayan at protektahan si Nobita, na naging biktima ng bullying, gamit ang sari-saring gadget.

“We are very excited because we didn’t have Doraemon on television for a long time and ABS-CBN is one of the best channels here so we’re really looking forward to this partnership,” said Animation Intl. Ltd. general manager Tim Kondo, who is elated to finally bring Doraemon to ABS-CBN via their YeY channel on ABS-CBN’s TVplus.

Abangan ang Doraemon sa May 27, 5 pm sa YeY ng ABS-CBN’s TVplus.

DORAEMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with