^

Pang Movies

Asia’s Queen of Jazz, ipinagluluksa ang pagkamatay!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Asia’s Queen of Jazz, ipinagluluksa ang pagkamatay!
Annie Brazil

Nagluluksa ang industriya ng musika sa ating bansa nang pumanaw noong Lunes, Marso 5, ang Pinay na kinikilalang Asia’s Queen of Jazz na si Annie Brazil. Siya ay 86 taong gulang at sinasabing namatay dahil sa pneumonia, na kumplikas­yon na rin ng COPD o chronic obstructive pulmonary disease.

Naiwan ni Annie Brazil ang kanyang mga anak na sina Richard Merk, ang beauty queen at aktres ding si Rachelle Ann Wolfe, ang chef na si Raffy Wolfe, at ang dating That’s Entertainment member, dancer at singer na si Ronnel Wolfe.

Tubong Iloilo, si Annie Brazil ay sinasabing nagsimulang kumanta noong siya ay anim na taong gulang lamang, at nang siya ay mag-dalaga ipinagpatuloy niya ang kanyang singing career. Isa siya sa mga paboritong performer ng mga service men na kano sa Clark.

Nang malaunan, sinubukan niyang mag-abroad. Kumanta siya sa Okinawa. Japan kung saan siya naging isang matagumpay ding jazz singer. Doon din niya nakilala ang kanyang unang asawang si James Bernard Merk na isang disc jockey. Naging anak nila ang singer ngayong si Richard. Pero hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Noong 1959 napangasawa naman niya si David Wolfe kung saan siya nagkaroon ng pitong anak. Nagkahiwalay rin sila noong 1972.

Hindi tumigil sa pagkanta si Annie Brazil, kahit na nga nagkaroon din siya ng stroke dalawang taon na ang nakararaan. Kahit naman kung minsan nakaupo na lang siya sa kanyang mga performance, pinapalakpakan pa rin siya ng audience dahil hindi rin nagbago ang kanyang boses.

Huli naming nakita at napanood si Annie Brazil mga apat na taon na rin ang nakararaan, at hanga kami kung papaano niya napanatili ang kanyang boses kahit na may edad na. Marami na ang nagpahayag ng kalungkutan sa kanyang naging pagpanaw. Siya ay nakaburol sa Loyola Chapels sa Makati.

AlDub tuloy ang pag-iilusyon

“Script lang iyan, dahil talagang gusto ng management nila na paghiwalayin sina Alden Richards at Maine Mendoza,” sabi ng isang fan. May nagsasabi pang “si Alden sunud-sunuran din, hindi ipinaglalaban ang relasyon nilang dalawa ni Maine”.

Hindi pa rin nila matanggap ang katotohanan na hindi talaga nagkaroon ng relasyon sina Alden at Maine, at sinasabi nila ngayong bilang ganti, ibo-boycott na nila ang palabas ni Maine. Pero ang tanong lang doon, gaano naman kaya sila karami na ganyan ang takbo ng isip?

Chow chow marami nang nabiktima

Kailangang isugod sa isang ospital ang aktres na si Antoinette Taus, at takot pa niyang sinabi na umiiyak siya noong una dahil nakita niyang parang may mga bahagi ng laman niya na humiwalay sa kanyang braso matapos siyang kagatin ng isang asong chow-chow.

Iyang mga asong lahing chow-chow, kahit na tanungin pa ninyo sa mga beterinaryo, iyan ang may pinakamaraming kaso ng pangangagat. Kadalasan sa kanilang pakikipaglaro, nakakagat nila ang tao nang tuluyan. Hindi kagaya ng ibang aso na may control sa pangangagat. Iyang chow-chow daw talagang sagad. Ang nangyaring iyan kay Antoinette ay dapat na maging leksyon sa lahat. Hindi dapat biruin o laruin ang isang aso lalo at hindi kayo kilala.

Minsan mabait naman ang aso, pero hindi nga niya kontrolado ang kanyang pangangagat kaya may nadidisgrasyang kagaya niyan.

ANNIE BRAZIL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with