^

Pang Movies

Christopher at Sandy nagkaroon ng biglaang renewal of vows

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Christopher at Sandy nagkaroon ng biglaang renewal of vows
Christopher De Leon at Sandy Andolong


Congrats sa mag-asawang Christopher De Leon at Sandy Andolong na biglaan ang pagkakaroon ng renewal of vows habang nasa Ha Long Bay sa Vietnam para sa pictorial nila sa The Wedding Library.

Sina Boyet at Sandy ang napili ng The Wedding Library dahil mga role model sila bilang mga celebrity couple na may matagal at ideal relationship.

Sa susunod na taon, 40 years na ang pagsasama nina Boyet at Sandy dahil opisyal na nagsimula ang kanilang relasyon noong March 27, 1980.

Ganyan na katatag at katagal ang pagsasama nina Boyet at Sandy na tulad ng mga normal na tao, dumanas din sa mga pagsubok ang relasyon pero nalam­pasan nila dahil ang Diyos ang sentro ng kanilang pagmamahalan.

Very romantic umano ang naganap na renewal of vows nina Boyet at Sandy habang nasa Vietnam cruise sila. Lalong naging romantiko ang eksena dahil papalubog ang araw nang basbasan ng isang Vietnamese priest ang mag-asawa.

Hindi naging problema ang mga outfit nina Sandy at Boyet dahil sakto naman na suot na nila ang wedding gown at tuxedo na ginamit sa The Wedding Library pictorial.

Bongga ang renewal of vow pictures nina Boyet at Sandy dahil na-capture ng photographer ang tunay na magic ng love nila para sa isa’t isa at ang breath taking view ng Ha Long Bay.

Mahirap tumanda…

Ang boring-boring siguro ng buhay ng isang senior citizen na walang ginagawa.

Halimbawa, kung matanda ka na at hindi ka makabasa dahil malabo ang mga mata mo, buong maghapon na nakatutok ka lang sa TV, nakaupo at hindi makakilos nang mabuti. Imagine what will you do with your boredom?

Okey na medyo agawin nang konti ang atensyon mo ng panonood ng mga Koreanovela or teleserye, then what?

How can you help a senior para ma-excite uli ang utak niya and to look forward for another day?

Masarap kapag matanda ka na pero feeling mo the people around you still need you, may konti ka pang responsibility at sana nga physically kaya pa ng katawan mo ang pagkilos.

How lucky are those na tumatanda pero physically at mentally strong pa.

Pumapasok lang ang problema at hirap kapag walang mag-aalaga sa’yo, ang hirap kung maysakit ka pa.

At lalo pang mahirap na hindi mo alam at wala kang magawa.

Hay naku, masarap talaga kapag bata, problema lang para bang sa panahon ngayon hindi ka sigurado kung ano sila paglaki at kung paano mo palalakihin.

Totoo nga life is a never ending problem na everyday, hinahanapan ng solution.

Kristofer mapapalibing na dahil kay Coco

Nagpapasalamat ang naulilang pamilya ni Kristofer King kay Coco Martin dahil inako nito ang pagpapalibing sa bangkay ng namatay na indie actor.

Sa kabila ng busy schedule ni Coco, nakahanap siya ng oras para personal na makiramay sa mga naulila na anak ni Kristofer noong Lunes nang gabi.

Sobra-sobra ang pasasalamat kay Coco ng ex-wife at ng kapatid ni Kristofer dahil nasagot ang kanilang mga panawagan at dasal na tulungan sila para mabayaran ang mga utang nila sa ospital para ma-release ang death certificate ng pumanaw na aktor.

CHRISTOPHER DE LEON

SANDY ANDOLONG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with