^

Pang Movies

Nagpapanggap na ibang tao, dalawang male celebrity na pinaglalawayan ng mga beki naglantad ng kalandian sa gay website!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Totoo kaya na may something romantic daw na nagaganap sa dalawang single male celebrities na ito?

Ito ang nagiging usap-usapan sa isang gay website ng ilang netizens kung may bahid bang katotohanan na “exclusively dating” ang dalawang bachelors na ito.

Si Bachelor A (BA) ay nali-link sa maraming girls pero wala itong nakakatuluyan. Si Bachelor B (BB) naman ay nagkaroon ng high-profile relationship pero bigla na lang silang naghiwalay na walang nakakaalam kung ano ang rason.

Ayon sa website, may sightings daw sa dalawa na magkasama sila sa isang coffee shop. Mukhang galing daw sa gym ang dalawa dahil naka-workout clothes pa sila.

Napag-alaman ng ilang beki na sa iisang gym lang daw pumupunta ang dalawa na malapit sa mga tinitirhan nilang condo building.

Sey ng ilang beki na bagay naman daw sila. Physically ay kapwa batak ang mga katawan nila na uso ngayon sa mga tinatawag ngayon sa social media na “alters”. 

Ang mga alter (short for alternative) daw ang millennial version ng mga bisexuals, pero iba ang katauhan kapag nasa social media na sila. Gumagamit sila ng ibang profile name, photo at nakiki-engage sila sa ilang sexual activities ng kapwa nila alter sa Alter Universe.

Anyway, haka-haka lang ng ilang beki na sa Alter Universe nagkakilala ang dalawang celebs na ito. Feeling nila ay matagal na silang magkakilala dahil minsan nang naging isa lang ang kinabilangan nilang talent management. 

May ilang beki na kinikilig sa dalawa dahil bet na bet nila ang mga katawan ng mga ito kapag sila ay shirtless. Ang ganda raw nilang pagtabihin dahil pareho silang may six-pack abs pero mukha pa rin silang mga totoy. Si BA pa naman daw ay may pagka-exhibitionist. Si BB naman daw ay balitang naughty in bed.

Yung iba naman ay nag-aabang kung magkakaroon ng video scandal ang dalawa dahil tiyak na ikakabaliw raw ito ng Alter Universe!

Jasmine nangumpisal sa pinagdaanang anxiety at depression

Nag-share ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa personal battle niya with anxiety and depression sa isang seminar na You, Me, Empathy upang ma-encourage ang maraming young leaders to develop empathy and mental health awareness.“Over those few years that I was going through this I was working less, I had a lot of personal commitments to my family that I was attending to, and I was also trying to figure out kung ano ba talaga ang gagawin ko sa buhay ko. I knew I was in this industry and I knew I could act and I could deliver…but I wasn’t sure if I could handle everything that was part of it which was the showbiz, the chismis, the bashing…we are all prone to all of that but unfortunately our industry makes it harder to deal with it. I was busy empathizing for everyone else that I forgot to see what I needed. ‘Di ko napansin na nahihirapan na pala ako, ‘di ko na pala kaya,” sey ni Jasmine.

Sa tulong daw ng professional therapy at sa pagbasa ng mga self-help books ay na-survive ni Jasmine ang pinagdaanan niyang mental health problem.

“It’s good because I got to share wisdom about mga natutunan ko, from my own readings and counseling sessions, from my own therapists. So at least ngayon mas nagiging available na sa ibang tao. ‘Yung mga tao na gusto talagang mag-improve, at pumupunta talaga sa mga ganitong seminar, gusto nilang mas ma-spread pa ‘yung word. So magsa-start siya sa akin, tapos makukuha nila, at least masi-spread pa nila to their own community,” pagtapos pa ni Jasmine na malapit nang mapanood sa GMA primetime teleserye na Sahaya.

Ben Affleck nagpaliwanag sa pag-ayaw sa Batman

Nagsalita na ang Hollywood actor na si Ben Affleck kung bakit ayaw na niyang gumanap sa DC hero character na Batman.

Kinumpirma ni Affleck last year pa niya tinapos ang pagganap niya bilang Batman na ginawa niya sa mga pelikulang Batman V Superman, Justice League at Suicide Squad.

May Batman movie na dapat ay si Affleck ang magdidirek, pero nag-backout na siya.

“I tried to direct a version of it and worked with a really good screenwriter, but just couldn’t come up with a version. I couldn’t crack it.
I thought it was time to let someone take a shot at it. They’ve got some really good people,” sey pa ni Affleck sa talk show ni Jimmy Kimmel.

Si Matt Reeves na ang magsusulat at magdidirek ng Batman movie pero wala pa itong lead actor. Si Reeves ang nagdirek ng War for the Planet of the Apes.

WEBSITE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with