Pops at Martin, eeksena sa movie nina AiAi at Bayani
Napakaraming celebrities na nag-cameo sa pelikulang Feelinials nina AiAi delas Alas at Bayani Agbayani.
Sabi ko sa isa sa producers na si Pops Fernandez, nabalitaan ko na dalawa pala sila ni Martin Nievera sa napakaraming nag-cameo sa Feelinials, pero ayaw sana niyang ipasulat ang tungkol doon.
“Surprise dapat,” sabi niya, pero sinabi kong nagkuwento na rin si Martin ng tungkol doon.
Actually, maraming friends ni Pops sa showbiz ang excited sa pagiging movie producer na niya, kaya marami ang nagkusang mag-guest sa Feelinials.
Sabi nga pala ni Pops, maraming aabangan sa kanya ngayong 2019 bukod pa sa The World’s Best ng CBS.
Magaling na negosyante si Pops, kaya marami siyang mga proyektong pinaplano.
Kasalang Slater at Kryz Uy, most elegant wedding ever sa Cebu!
Ikinasal na ang Pinoy Big Brother: Unlimited edition (2011) big winner na si Slater Young sa vlogger na si Kryz Uy noong Saturday sa Shangri-La Mactan Resort and Spa sa Cebu.
Ayon sa businesswoman/philanthropist na si Pinky Tobiano, napakaganda ng garden wedding nina Slater at Kryz. Isa sa mga ninang si Pinky.
“The wedding was very beautiful and solemn. Francis Libiran made the gown of Kryz (a famous travel Blogger) and for Slater. The wedding was help in Shangri-la Mactan and the reception as well. The food was carefully curated and the food was superb. The ribe eye steak was perfectly grilled and the pasta stations were lavishly done.
“The Cake was done by Christian Mark and was flown in from Manila. Sam Milby was one of the guests as well as Erickson Raymundo and the Cornerstone family, were Slater is part of.
“Director Lauren Dyogi was also seen there,” sey ni Pinky.
Kasama ni Pinky ang anak niyang si Pianne at dagdag pa niya, “Pianne was there with me together with the Cornerstone family. The night ended with an amazing Open bar. It was one of the best and most elegant wedding EVER IN CEBU. But whats beautiful is the love Slater and Kryz have for each other.”
CEB chair agree sa proposal na tuwing Friday na lang ang opening day ng mga sinehan
Kasama ko kahapon si Christine Dayrit na head ng CEB (Cinema Evaluation Board).
Happy si Christine na kumita ang pelikulang Alone/Together .
Marami rin daw silang papanooring pelikula ngayon para i-grade.“I’m happy na dumarami ang Filipino wish. I wish all Filipino films will earn at the box office like Alone/Together,” sabi niya.
Sang-ayon din si Christine sa panukalang gawing Friday ang opening day ng mga pelikula para mas may chance na kumita sa first pa lang at mag-stay sa mga sinehan!
- Latest