^

Pang Movies

Kahit maganda at may saysay pelikula nina Janine at Enchong tsinugi agad ng mga sinehan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kahit maganda at may saysay pelikula nina Janine at Enchong tsinugi agad ng mga sinehan

Sumuporta ang Directors’ Guild of the Phi­lippines sa isyung kinasangkutan ng Regal movie na Elise. After ng opening day nito last Wednesday, may ilang sinehan na nag-pull out na.

 

Isang blogger ang unang nag-tweet sa kinahinatnan ng movie. Nagbigay naman ng paliwanag si Roselle Monteverde, producer tungkol sa nangyari.

“For clarification, the cinemas dictate what movies they want to show and sadly even on the first day 75% of the cinemas given Elise shares screentime or what they term “slides” with another movie. So the full potential will not happen. This is the scenario since 70s,” tweet ni Roselle.

Kasunod nito ang reply niya kay direk Joey Reyes na line producer ng pelikula.

“So much time have been wasted because there (is) no effort in abandoning old ways and test possible solutions such as moving the opening day to Friday. If weekday opening is not working then try and test a solution and not sit on something that doesn’t work,” dagdag ni Roselle.

Kahapon ay nagkaroon ng presscon ang bida ng pelikula na sina Janine Gutiererez at Enchong Dee kasama ang director ng movie na si Joel Ferrer at ilang members ng DGPI sa cinema lobby ng SM Megamall.

Iisa ang panawagan nilang ibalik sa sinehan ang Elise! Parang naulit ang nangyari sa December film fest na ‘yung ilang entries eh nanawagan na bigyan ng sinehan ng pelikula nila, huh! History repeats itself na agad eh December lang nangyari ‘yung panawagan, huh!

Binigyan ng Grade A ng Cine­ma Evalua­iton Board ang Elise at pati mababagsik na film critics eh humanga sa ganda ng pagkakagawa ng movie.

Bukod sa problema sa taxes at piracy, ang pag-pull out ng sinehan after one or two days ng pelikula ang problema ngayon ng producers o ‘di kaya, isinisingit lang ang screening nila sa ibang movie. Kumbaga, hindi lahat ng screenings ay para sa pelikulang palabas sa sinehan.

Isa ang problemang ito na dapat tugunan ng mga gustong tumulong sa movie industry, huh!

Nadine naglagablab sa suot na bikini

Nagpainit si Nadine Lustre sa Bantayan Island sa Cebu City suot na two-piece na idinispley niya sa kanyang Instagram stories.

Para sa bagong movie ang pagpunta ng young actress sa Bantayan Island pero hindi si James Reid ang kapareha niya.

Hindi nga lang malinaw kung para sa movie niyang Indak ang rason ng pagdidispley niya ng katawan. Si Sam Concepcion ang kapareha niya sa bagong project.

Anyway, malapit na ring ipalabas ang Nadine starrer na Ulan at si Carlo Aquino naman ang kapareha niya sa Irene Villamor movie.

 

ELISE MOVIE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with