Catriona Grey rumampa sa NFL
Rumampa si Miss Universe Catriona Grey sa National Football League sa Atlanta.
Kasama niyang nag-attend si Miss USA 2018 Sarah Rose Summers.
“Had an amazing time at my first red carpet event of 2019 learning about American football for the first time at the #NFLHonors in Atlanta! Who are you guys rooting for in this years Super Bowl??,” caption ni Catriona sa kanyang IG photos.
Ang isang napansin lang, super tangkad niya kesa kay Miss USA as in parang nagmukhang bata si Miss USA sa kanya.
Jameson ‘napahamak’ sa concert ng Blackpink
Sumagot si Jameson Blake sa bintang na nanlamang siya sa pila sa concert ng Blackpink sa MOA last weekend.
Binira-bira kasi si James ng ibang nanood matapos nga siyang mapansin na hindi raw pumila at bigla na lang nakapasok sa venue ng concert. “We got there and showed our queue number. The organizers, guards, the people in charge told us to stay by the side but we were still part the line. We just waited til’ it was our turn to get in. We were just following rules,” sabi nito sa Twitter.
Makikita kasi sa photo na uploaded sa social media na nasa tabi sila ng mga kaibigan niya.
Siyempre dinumog ng Pinoy fans ang concert ng South Korean girl group nang dumating nga sa bansa last weekend.
Super sold out ang nasabing concert kahit na nga almost P20,000 ang VIP tickets at 2,600 naman ang general admission.
Samantalang ang mga local artist natin, hindi makasingil ng P10,000 sa VIP section.
- Latest