^

Pang Movies

Marion Aunor mas nakikilala

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Marion Aunor mas nakikilala
Marion Aunor

Marami ang naka-relate sa bagong kanta ni Marion Aunor na official soundtrack ng pelikula nina Xian Lim at Louise delos Reyes na Hanggang Kailan, ang Maling Pag-Ibig, na inilabas ng Viva Records. As of now ay meron nang 33,935 views ang official music video nito.

Si Marion Louise Aunor o mas kilala bilang Marion Aunor ay isang singer-songwriter at pianist. Nagsimula ang kanyang career noong 2013 nang manalo siya bilang third placer sa Himig Handog. Dati siyang recording artist sa Star Music at ngayon ay nasa Viva Records na. Pamangkin din siya ng nag-iisang Superstar Nora Aunor.

Bukod sa Hanggang Kailan, siya rin ang kumanta ng official soundtrack ng pelikulang The Day After Valentines na pinagbidahan nina JC Santos at Bela Padilla. Pinasikat niya rin ang mga kantang Fallen, If You Ever Change Your Mind, Pumapag-Ibig at marami pang iba.

Mukhang nagiging in demand si Marion ngayon sa paggawa ng soundtrack ng mga nakaka-inlove na pelikula.

Samantala, unang beses pa lang ang pagtatambal nina Louise at Xian pero kitang-kita na ang chemistry sa kanila.

Aminado ang dalawa na noong una ay naiilang sila sa isa’t isa pero kalaunan ay naging close rin.

Masaya sina Xian at Louise sa kani-kanilang lovelife ngayon. Si Xian kay Kim Chiu at si Louise naman sa kanyang bagong boyfriend.

Excited na sila sa kalalabasan ng una nilang tambalan at inaasahan nilang tatangkilikin sila ng mga manonood.

Pagkatapos ng nasabing pelikula, magpo-focus na ulit si Xian sa kanyang directorial job at inaasahang isasali niya ang kanyang gawang pelikula sa darating na Cinemalaya 2019.

Mula sa produksyon ng Viva Films at sa cooperation ng BluArt Productions and XL8, ipapalabas na ang Hanggang Kailan sa February 6, in cinemas nationwide, mula sa direksyon ni Bona Fajardo.

MARION AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with