Sylvia handing papatay sa mga basher
Napundi na si Sylvia Sanchez sa matitinding panlalait at pag-aalipustang natatanggap nila ng buong pamilya mula sa mga bashers simula nang ma-link ang anak na si Arjo Atayde kay Maine Mendoza.
Last Tuesday, sa presscon ng indie (independent) film niyang Jesusa ay nagsalita na rin finally si Ibyang at aniya, last September pa raw ay puro mura at panlalait na mula sa mga bashers ang inaalmusal nila ng buong pamilya.
Aware naman si Ibyang na galing sa mga ibang Aldub Nation (fans nina Maine at Alden Richards) ang mga pamba-bash na nararanasan dahil tutol ang mga ito na kay Arjo for Maine at ang unang-una ngang akusasyon ng mga ito ay ginagamit lang daw ng aktor ang kanilang idolo.
Pero aniya ay hindi naman niya nilalahat dahil may mga Aldub Nation fans naman daw na mababait.
Since September ay nanahimik daw siya at nagtiis sa lahat ng natatanggap na matinding pangba-bash. Never daw siyang sumagot. Pero nang magkaroon na ng death threats, dito na raw siya talaga hindi na nakapagtimpi.
“Nakakita ako ng account na nagsasabi na, ‘Patayin si Arjo, patayin natin si Ria (Atayde), patayin natin si Sylvia, patayin natin ang pamilya Atayde.’ Hindi lang ‘yan dalawa, meron pa. At meron pang nag-post diyan na, ‘Isang bala ka lang.’ Pag nakita mo yung mga nag-uusap, alam natin na si Arjo ang tinutukoy,” pahayag ni Sylvia.
Kaya naman nakiusap na ang aktres sa Aldub Nation na siya na lang at huwag na ang mga anak niya ang patayin.
“Ito na lang pakiusap ko sa inyo bilang ina. ‘Yung pagbabanta n’yo na patayin si Ria, si Arjo, ako, asawa ko, ako na lang. Ako na lang.
“Barilin n’yo ako, patayin n’yo ako, tanggalin n’yo ang buhay ko sa akin, tatanggapin ko. Ako na lang. Bilang nanay, huwag na ang mga anak ko,” emosyonal na pahayag ni Ibyang.
Bato… napuno ang dalawang sinehan!
Isang malaking tagumpay ang red carpet premiere night ng Bato: The Gen. Ronald dela Rosa Story na ginanap last Tuesday night sa SM Megamall sa dalawang sinehan.
Parehong punung-puno ng tao ang 2 cinemas na pinagdausan at marami pa ang hindi nakapasok. Humingi na nga ng paumahin ang produksyon sa mga hindi na pinalad na makapasok lalo na ‘yung mga galing pa ng Pampanga.
Of course, naroroon ang bida ng movie na si Robin Padilla kasama ang asawang si Mariel Rodriguez. Sa stage bago magsimula ang pelikula ay labis na pinasalamatan ni Binoe ang misis sa pagiging ever-supportive wife nito.
Dumalo rin si Gen. Bato himself, Sen. Manny Pacquiao at Sen. Koko Pimentel. Pero ang talagang nagpaningning ng gabi ay ang pagdating ng ating Presidente Rodrigo “Digong” Duterte.
Muli, sa kanyang speech ay nakiusap si Binoe sa publiko na huwag namang iboykot ang pelikula at panoorin muna to find out kung propaganda movie nga ito tulad ng akusasyon ng iba.
Nagsimula nang ipalabas ang Bato: The Gen. Ronald dela Story kahapon, Wednesday, Jan. 30.
- Latest