^

Pang Movies

May-ari ng Peso... nahuli na ang nagnakaw ng script!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Pagkatapos na maglabas ng kanyang sama ng loob sa Facebook ang director ng indie comedy film na Ang Sikreto Ng Piso na si Perry Escano tungkol sa film producer na ninakaw ang original script ng kanyang pelikula, nag-post ulit ito sa social media and this time, may pruweba na siya sa kanyang akusasyon sa naturang producer.

Pinost ni Direk Perry ang isang ticket ng pelikula na bida si Empoy Marquez na may titulo na Ang Kuwento Ni Money na produced ng Legendary Superstars and Entertainment Inc.

Ayon kay Direk Perry, ito ang script na ninakaw sa kanya na ginawa ng pelikula, pero hindi ito binigyan ng permit na maipalabas sa mga sinehan.

Heto ang post niya sa Facebook:

“Look! Even the title is so close to my work. It’s sad when I found out that my concept and ideas for the movie Ang Sikreto ng Piso, was stolen from me who I trusted a lot in the past. Revisions are made and we came up with is a totally different story from my original script and concept. Story and characters were improved and developed. Thank you NCAP by not allowing AKNM to be shown in theaters. The original title is Ang Kuwento ng Piso then they changed it to Ang Kuwento ni Money. I encourage the writers & filmmakers to register your script to National Library to secure its copyright. My experience serve as a lesson, do not just trust anyone, especially when you have not yet signed a contract. Anyone can just steal your ideas & concepts. #AngSikretongPiso.”

Sa January 30 na palabas ang Ang Sikreto Ng Piso at bida rito ang mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen. Kasama rin sa cast sina Bea Binene, Ricky Rivero, Lou Veloso, Beverly Salviejo, Long Mejia, Ernie Garcia and introducing Angelica Ulip.

Ang Sikreto Ng Piso ang second indie film feature ni Perry Escano. Unang dinirek niya ang indie film na Ang Gurong Hindi Marunong Magbasa na pinagbidahan ni Alfred Vargas noong 2017.

Clint pinag-iinitan na rin sa social media

Dahil sa dumami na ang followers ng model-actor at boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gary na si Clint Bondad, marami na ang nakikialam sa mga pino-post niya.

Umabot na sa 313,000 ang followers ni Clint sa Instagram at bawat i-post niya ay binabantayan. Tulad na lang ng pinost niya na nagve-vaping ito, sinabihan siya ng netizen na bad example daw ang ginagawa niya para sa kabataan.

“Don’t be a bad example for the youth followers. Vaping isn’t a good example especially from celebrities/public personalities like that girl next to you!!!!” ayon pa sa netizen.

Maayos naman sinagot ni Clint ang netizen na hindi siya perpektong tao. Never naman daw niya pinakilala ang sarili niya bilang isang tao na walang flaws.

Pero deleted na raw ang photo na nagve-vaping siya para wala na raw issue.

PERRY ESCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with