Manila Zoo kailangan ng tulong para maisalba!
Pansamantalang isinara
May upsetting news na lumabas at tungkol ito sa temporary closure ng Manila Zoo dahil isa ito sa mga nagtatapon ng mga dumi sa Manila Bay.
Naalala ko noong bata pa ako, ang makarating sa Manila Zoo at makita ko ang mga hayop ang big dream ko dahil nakikita ko lang ito sa mga libro.
Ang ganda-ganda noon ng Manila Zoo, nanlaki talaga ang mata ko nang makita ko ang elephant, tiger, lion, giraffe, zebra at takot na takot ako sa python na nakakulong sa loob ng glass cage.
Pumupunta kami sa Manila Zoo kapag may special occasions lang dahil may bayad at lima kaming magkapatid na dapat ipasyal.
Big deal sa aming mga bata noon ang magkuwentuhan tungkol sa animals na nakita namin sa Manila Zoo.
So sad na hindi naaalagaan ang Manila Zoo. So sad ang balita noon na maltreated ang elephant na nakakulong sa Manila Zoo na nag-deteriorate na pero kahit sinasabi nila na pangit at marumi na, marami pa rin ang pumupunta dahil hindi naman makikita basta-basta sa kalye ang mga animal na naroroon.
Magic talaga para sa mga bata na makita sa Manila Zoo ang mga animal na nababasa nila sa mga libro. Please save our only place to dreamland, ang lugar na nagiging totoo sa mga mata ng bata ang mga larawan na nakikita nila sa libro lang, ang kanilang pagkamangha kapag nakakakita ng elephant, tiger at lion. Please help out to save Manila Zoo.
Pepe Smith hindi mabubura ang pangalan
Condolence sa music icon na si Joey ‘Pepe’ Smith na sumakabilang-buhay kahapon sa edad na 71.
As of presstime, hindi pa sinasabi ng mga naulila ni Pepe ang tunay na dahilan ng pagpanaw niya pero dalawang beses na siya na nagkaroon ng stroke.
Natatandaan ko ang guesting noon ni Pepe sa Startalk dahil pinag-usapan talaga. Hindi malimutan ng televiewers ang eksena na muntik nang malaglag ang suot na pustiso ni Pepe pero dedma ito.
Hindi na puwedeng mawala ang name ni Pepe sa kasaysayan ng Philippine music industry dahil itinuturing siya na rock icon.
Hindi maaaring hindi mabanggit ang pangalan ni Pepe kapag rock and roll ang topic ng kuwentuhan ng mga music lover.
Gen. Bato dasal ang pinanlaban nang unang makapatay
Ang ganda ng kuwento ni former PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na nagpunta ito sa simbahan, nagdasal, humingi ng kapatawaran sa Diyos at umiyak nang una siyang makapatay ng kriminal.
Ayaw na ayaw ni Papa Bato na kumitil ng buhay pero wala raw siyang choice dahil trabaho niya na magbigay ng proteksyon sa mga kababayan natin at siguraduhin na may kapayapaan sa paligid.
Sinabi ni Papa Bato sa presscon kahapon ng Bato: The Gen. Bato Dela Rosa Story na hindi siya makatulog nang mahimbing dahil pumapasok sa kanyang isip ang mga kriminal na napatay niya kaya dasal siya nang dasal.
Malamang na ipakita sa pelikula na pinagbibidahan ni Robin Padilla ang karanasan na tinutukoy ni Papa Bato dahil mapapanood sa Bato movie ang kuwento ng kanyang buhay mula pagkabata hanggang maging pinuno siya ng Philippine National Police.
- Latest