Barbie at Paulo pasado ang loveteam
Ang ganda ng pagkakalahad ng kuwento Salve A., sa episode na itinampok last Saturday sa drama anthology na Maalala Mo Kaya.
Ang parehong mga pangunahing tauhan ay nasa 20’s lang and about to graduate as an Architects. Magkaklase na sila simula first year at naging mag-sweethearts kalaunan.
Pangarap nilang makapagpakasal pagkatapos nilang mag-college at pareho namang approved ang parents nila sa kanilang relasyon. Ang problema, nagsa-suffer pala sa certain sickness ang babae, pero hindi ito alam ng lalaki. Huli na ng malamang cancer of the kidney na pala ang sakit nito.
Sina Barbie Imperial at Paulo Angeles ang gumanap sa nasabing kuwento at pareho nilang nagampanan ng mabuti ang mga karakter na ibinigay sa kanila, tipong akala mo sila talaga ang mga totoong may ari ng kuwento.
Pareho lang na bago sa showbiz ang dalawa pero they have had the chance na rin na i-showcase ang kanilang individual talents in their previous assignments.
Tulad na lamang ni Barbie na galing sa seryeng Araw Gabi, kung saan nabigyan siya ng pagkakataong maging leading lady ng nagbabalik sa showbiz na si JM de Guzman.
Of Paolo, kasama rin siya sa cast ng Araw Gabi kung saan gumanap siya bilang bunsong anak ni Vina Morales, miyembro rin siya ng grupong Hashtags.
Samantala, it was nice naman na makitang muli si Rosanna Roces na umaarte sa TV screen. Gumanap siya bilang ina ni Barbie sa MMK na ang title pala ay Journal.
Congratulations to Theodore Boborol who directed the episode, and to the MMK host, Charo Santos-Concio, matinding tapik sa balikat for a job well done.
Mga pulitikong artista bilang na ang araw sa TV at pelikula!
“They all have to go”, ito obviously ang desisyon ng ‘power’ behind the top series na FPJ’s Ang Probinsyano sa members ng cast na openly ay nag-confirmed na ng kanilang desisyon na tumakbo for public office in the coming May 2019 elections.
Magsisimula na kasi ang campaign period and no need for the COMELEC to remind showbiz personalities na tatakbo na bawal na silang mapanood sa TV as performers.
Bilang avid viewer ng Ang Probinsyano, eager kami na masaksihan kung papaano tatapusin ang karakter ng politician actors na ito.
Tulad na lamang ng karakter ni Edu Manzano na gumaganap bilang Presidente sa nasabing serye na tila walang kinatatakutan.
Tumatakbo siya bilang Representative of the lone district of San Juan.
Ang mag-ama namang Mark at Lito Lapid ay kailangan na ring mamaalam dahil tatakbo muli sila bilang Mayor ng Pampanga, at Senador.
Si Jhong Hilario naman na napapanood sa noontime show na It’s Showtime at sa Ang Probinsyano rin ay nagpaalam na sa kanyang followers dahil tatakbo siya for re-election bilang City Councilor of Makati.
Clint hindi umeksena sa kasikatan ni Catriona
Hindi man tuwirang nagsalita si Miss Universe 2018 Catriona Gray tungkol sa relasyon nila ng boyfriend na si Clint Bondad, walang duda na walang nabago sa kanilang relasyon of eight years.
Sa totoo lang, hanga kami kay Clint dahil hindi siya pumapapel sa kasalukuyang tagumpay na tinatamasa ni Catriona.
Clint is 24 and a struggling actor and TV host.
- Latest