^

Pang Movies

Walang binabastos sa pagpapatawa Michael Angelo magaling ang timing, mala-Dolphy!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi namin magawang biro ang mga seryosong bagay, kagaya ng mga sinasabing “extra judicial killings”. Pero kahapon may narinig kaming joke na ang sabi, “kung hindi ka naman kagandahan, o kaguwapuhan at hindi ka pa marunong ngumiti, aba eh magpa-tokhang ka na lang. At siguruhin mong lalaban ka basta tinokhang ka”.

 

Noong marinig namin iyon, ang lakas talaga ng tawa namin. Hindi dahil sa joke eh, kung di sa pa­ma­­ma­raan ng pagkaka-deliver ng joke. Iyon ang sik­reto ng comedy. Minsan, ang mga joke ay hindi naman nakakatawa, pero dahil sa delivery at tamang ti­ming, ma­ta­tawa ang nakakarinig. Doon magaling ang mga komedyante.

Hindi kami believe doon sa comedians na ang ginagamit sa pagpapatawa ay kabastusan, o ang ginagawang katatawanan ay ang panlalait sa kapwa. Hindi comedian ang tawag doon. Bastos iyon at magaspang na ugali. Isipin mong bastusin mo nang harap-harapan ang kapwa mo tao. Ang talent sa pagpapatawa ay iyong makapagbigay ka ng joke na matatawa ang audience na walang pinagtatawanan. Ibig sabihin sa joke mo mismo ang nakakatawa.

Aaminin namin, kahapon lang namin narinig ang komed­yante at inspirational speaker na si Michael Angelo. Mayroon pala siyang sitcom na nasa 13th season na sa GMA News TV. Aaminin namin, limitado rin kasi ang oras namin ng panonood sa TV, pero nang marinig namin siya kahapon, parang nanghihinayang kami na nakatapos na pala siya ng labindalawang season nang hindi namin napapanood. Kaya sabi nga namin, simula sa kasunod niyang season, hindi namin palalampasin ang kanyang sitcom.

Natawa rin kami sa isa pang kuwento niya. Isinama raw siya ng director na si Maryo J. delos Reyes sa isang serye na tungkol sa buhay ng isang pari. Guest siya para sa isang episode lamang. Pagdating niya sa set, nag-comment daw siya, “bakit naman iyong mga kinuha ninyong talent para lumabas na pari hindi naman mukhang mga pari. Mukhang budul-budol eh”. Nagkatawanan daw lahat, at naririnig niya ang impit na tawa ng director mula sa kanilang OB Van. Pagkatapos daw tuloy noon, sinabi ni direk Maryo, “gawin na nga ninyong regular guest iyang si Michael Angelo”. Kaya daw kahit na wala na siyang ginagawa sa serye, guest pa rin siya. Pinagtatawanan niya, at napatatawa niya ang tao sa sarili niya.

Aminado si Michael Angelo, ang idol niya ay si Mang Dolphy. Naniniwala siya sa style ng comedy ni Dolphy at iyon ang gusto niyang maibalik na paraan ng pagpapatawa.

Tama naman iyon, dahil iyon ang malinis na comedy. Kung tawagin nila “slapstick”, pero maski kami gusto namin ang ganoon kaysa naman sa ginagawang mga kabastusan at pambabastos sa kapwa nila tao. Hindi pagpapatawa ang ginagawa nila eh, nililibak nila ang kapwa nila. Hindi sila ang pinagtatawanan kung di iyong iniinsulto at nililibak nila. Matatawag mo bang comedian ang ganyan?

At iyan palang si Michael Angelo ay nagsimula bilang isang sacristan sa simbahan. Tapos pumasok sa seminaryo ng Arkdiyosesis ng Maynila, iyong San Carlos. Walong taon siya roon, at malapit nang maging isang diyakono. Pero nagdasal daw siya sa Diyos dahil dalawa lang ang pangarap niya sa buhay, una ang maging pari, ikalawa ang maging artista.

Ang pumasok daw na inspirasyon sa isip niya, “masyado kang guwapo para maging pari” kaya naging komedyante siya.

Nasundan na naman iyon ng isang malakas na tawanan. Kasi nga napakagaling niya sa delivery at sa timing. Iyan ang qualities na wala ang maraming comedians sa ngayon.

MICHAEL ANGELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with