Korean actor na si Jo In-Sung nagparaya ng role para kay Nam Joo-Hyuk
Pagkatapos mapanood ang The Great Battle, mukhang ma-i-in love na naman ako kay Jo In-sung.
Isa si Jo In-sung sa mga Korean actor na walang insecurity dahil siya ang senior actor pero hinayaan niya na si Nam Joo-Hyuk ang magkaroon ng mas malaki na role. Bongga di ba?
Parang hindi ko ma-imagine na gagawin ‘yon ng isang senior actor, lalupa’t alagang- alaga sa pelikula ang mga shot at dialogue ni Nam Joo Hyuk.
Kaya naman pala ganoon katindi ang cooperation na ibinigay ni Nam Joo-Hyuk sa promo ng kanilang pelikula.
Si Jo In-sung talaga, walang feeling of being selfish sa mga co-actor niya. Hinahayaan niya na mag-shine sila.
No wonder, matatag ang puwesto niya sa Korean movie industry dahil sobrang secure siya. Hindi siya threatened sa ibang mga kasamahan niya sa work.
Kumita sa takilya ang The Great Battle nang ipalabas ito sa mga sinehan dahil maganda ang pelikula, wala pang agawan eksena. Talaga love ko na si Jo In-sung at Joo Hyuk.
Bong nagpaiyak sa ginawang ad ng pamilya
After four years, muling nakapagdiwang ng pagpasok ng Bagong Taon sa Bacoor, Cavite, sa piling ng kanyang pamilya, si former Senator Bong Revilla, Jr.
Maligayang-maligaya si Bong dahil kumpleto ang pamilya niya at higit sa lahat, malayang-malaya na siya.
I’m sure, surreal ang pakiramdam ni Bong habang nagpuputukan sa paligid dahil apat na mahabang taon siya na nagdusa sa kulungan kaya hindi naging normal ang Pasko at Bagong Taon para sa kanya.
Napapanood na nga pala sa TV ang ad ni Bong na very touching, kahit sa huling frame lamang siya ipinakita habang sinasabi ng kanyang mga anak na Papa’s Home.
May puso ang television ad ni Bong, kasama si Lani Mercado, ang kanilang mga anak at apo. Ang akala nga ng iba, commercial para sa isang sikat na fastfood chain ang bonggang ad ng Revilla family.
Mga sundalo dapat bigyan ng tamang pagpapahalaga
Nang mapanood ko sa TV ang pamilya ng sundalo na may tatlong anak, bigla akong nagkaroon ng soft heart para sa mga sundalo natin.
Imagine, naghihintay sa kanila ang mga pamilya nila kahit sa mga importanteng okasyon na walang kasiguraduhan kung darating sila.
Hindi rin pala natin ganap na nalalaman ang mga nangyayari outside the city, ang mga pamumuhay ng mga sundalo na naka-assign sa mga medyo delikadong area ng bayan natin.
Hindi natin alam ang mga nangyayari sa mga liblib na baryo dahil tahimik tayo dito sa siyudad pero may mga panganib pala sa ibang parte.
Bigla kong naisip ang kahanga-hanga na buhay ng ating mga sundalo, may mga anak sila at pati ang kanilang mga magulang, naghihintay lang kung kailan sila uuwi.
Kahanga-hanga ang mga magulang dahil naglilingkod sa bayan ang kanilang mga anak na nag-aalay ng buhay para sa kapayapaan ng bansa natin.
Wow, bayani hindi lang ang mga anak, pati ang parents nila. Sa mga sundalo na nagtitiis malayo sa pamilya, we salute you. We pray na safe kayo at sana mabigyan din kayo ng pagpapahalaga na bagay sa inyo. We love you!
- Latest