^

Pang Movies

Tirso may hindi na kayang kantahin dahil sa anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tirso may hindi na kayang kantahin dahil sa anak
Tirso Cruz

Nagkaroon ng show sa isang casino sa Tagaytay City ang mag-BFF na sina Christopher de Leon at Tirso Cruz III.

Parehong mga in demand sa mga teleserye sina Boyet at Tirso pero tumatanggap din sila ng mga singing engagement dahil sa passion nila sa pagkanta.

Maraming beses nang nagsama ang dalawa sa mga concert na palaging jampacked dahil excited ang fans na mapanood sila nang personal.

Sa tuwing may mga concert sila, hindi nawawala sa repertoire ni Tirso ang hit song ni Eric Clapton noong 1992, ang Tears In Heaven.

Malungkot ang kuwento ng kanta dahil isinulat ito ni Eric nang mamatay ang kanyang 4-year old son na si Conor na nahulog mula sa kanilang New York apartment noong March 20, 1991. Kung nabubuhay pa si Conor, 27-years old na siya ngayon.

Nang mag-concert sina Boyet at Tirso noong Sabado, hindi kinanta ng huli ang Tears in Heaven dahil tiyak na maging emosyonal lamang siya. Masakit na masakit pa rin para kay Tirso ang pagpanaw ng kanyang anak na si TJ Cruz kaya wala siyang lakas ng loob na awitin ang isa sa mga favorite song niya.

Pareho kami ni Tirso dahil parang naging journal na namin ang aming mga Instagram account.

Mula nang mawala si TJ, tungkol sa kanya ang araw-araw na post ni Tirso.

“Woke up late this morning coz I had a show last night w/ your Tito Boyet de Leon. I usually have the song Tears in Heaven in my line-up.

“But for obvious reasons, I decided not to sing it. Missing you so much as each day passes by my son.

“Again, as New Year’s day draws near, that heavy feeling in my heart seems to grow stronger. But we are at peace for we know you are in a better place with the Lord,” ang buong pangungulila na mensahe ni Tirso para sa kanyang anak na panganay na pumanaw sa early age na 37.

Movie and TV director hiwalay na agad sa misis!

How true na hiwalay na ang isang movie and te­le­vision director sa kanyang misis na maganda?

Marami ang nagulat sa balita, lalo na ang kanilang friends na saksi sa wagas na pagmamahalan nila.

Matagal ang relasyon ng dalawa bago sila nagpakasal noong nakaraang taon kaya ang akala ng lahat, pang-forever na ang pagsasama nila.

Mali ang akala dahil makalipas ang isang taon, nag-babu na raw sa isa’t-isa ang direktor at ang kanyang beautiful wife.

Ganyan talaga ang buhay, maraming mahiwaga na pangyayari ang mahirap na ipaliwanag.

Classic example sina Jeremy Marquez at Gwen Zamora na kasal na lang ang kulang dahil siguradong-sigurado na sila sa isa’t-isa. Nakaplano na ang kanilang kasal pero hindi naman natuloy.

Ang ending, nabalitaan na lang natin na sobrang in love si Gwen sa basketball player/model na si David Semerad na ex-boyfriend ng ex-beauty queen na si Gwendoline Ruais.

From Gwen to another Gwen ang kuwento ng lovelife ni David. Nakakalokang isipin na parehong engaged sina Gwen Zamora at David sa kani-kanilang mga karelasyon pero humantong din sa hiwalayan ang pagsasama nila.

Sobra pa naman ang publicity noong December 2013 ng engagement nina David at Gwendoline, pati na ang engagement nina Gwen at Jeremy noong October 2015.

vuukle comment

TIRSO CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with