^

Pang Movies

Sweet mas uunahin na ang career kesa lovelife sa 2019

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sweet mas uunahin na ang career kesa lovelife sa 2019
John Lapus

Tunay na naging merry ang Pasko ni John ‘Sweet’ Lapus dahil maraming naging pagbabago sa kanyang career nitong 2018.

Kasama sa mga pagbabagong ito ay ang pangarap niyang maging playwright, scriptwriter at director ay nangyari nang sabay-sabay.

“Napaka bait ng 2018 sa akin. Naging playright ako for CCP Virgin Labfest na Bagyolanda, studied directing sa Cinemalaya Foundation, became a movie writer for Pang MMK, studied scriptwriting with Ricky Lee Scriptwriting workshop, naging movie director para sa Cinema One Originals official entry na Pang MMK at TV director for Wansapanataym presents: Switch Be With You.

Kaya salamat Lord dahil hindi lang isa ang binigay mo kundi tatlo-tatlo pa talaga!” masa­yang kuwento ni Sweet.

Itong taon ding ito ay natapos na ring bayaran ni Sweet ang nabili niyang bahay noong 2010.

Nabili ni Sweet ang kanyang three-storey townhouse noong kasalukuyang namamayagpag siya sa GMA-7. After 8 years ay tapos na niyang mabayaran ito.

Sa 2019 ay sunud-sunod na ang mga gagawing trabaho ni Sweet.

“I will be directing again the next episode of Wansapanataym. Lalaki naman ang bida dito. Kakaiba siya. Rom-com na punong-puno ng puso.

“Hopefully, makapagdirek ako ulit ng movie.

“Sumali ako ulit sa mga festival para may funding ang movie ko entitled Bingo!. Ito yung final script ko sa Ricky Lee Workshop.”

Masuwerte kaya si Sweet sa Year of Pig?

“Well sabi ng Zodiac ko last year may malaking pagbabago nga raw na magaganap sa akin. Ito na pala yon.

“Hindi ko pa nabasa ang for next year eh. Sana positive ulit!”

Pagdating sa lovelife ni Sweet, mas uunahin na lang daw niya ang sarili niya kesa at ang mga taong nagmamahal sa kanya kesa ang isang lalake.

“Naku hindi na ko umaasa. Mas mahal ko na ang sarili ko ngayon. Tapos bumabawi na lang din ako sa mga taong magmamahal sa akin.

“Dumarating pala talaga sa buhay ng isang tao na hindi mo na iintindihin ang lovelife, ‘di ba? Mas importante ngayon ay ang sarili mong future,” pagtapos pa ni Sweet Lapus.

Diego pinanghihinayangan

Kung may pinanghihinayangan man ang showbiz sa 2018, ito ay ang biglang pagkawala ni Diego Loyzaga sa showbiz.

Tuluyan na ngang pinatay na ang character ni Diego sa teleserye na Los Bastardos at desisyon na raw iyon ng pamilya ng aktor na iwan na muna nito ang showbiz dahil masyado na itong nagiging toxic para sa kanya.

Very promising pa naman ang anak na ito nila Cesar Montano at Teresa Loyzaga. May alam din sa pag-arte, pero mabilis palang mapaghinaan ito ng loob.

Naging target din kasi si Diego ng bashing at cyber-bullying sa social media dahil sa mga pino-post nito. Malamang na isa ito sa naging dahilan kung bakit ito nagkaroon ng mental instability.

Balitang sa Amerika muna pinapunta si Diego para makapagpahinga, mag-isip at planuhin ang mga susunod niyang gagawin sa kanyang buhay.

May mga nag-suggest na bumalik na muna ito sa pag-aaral para maiba naman ang environment niya, malayo sa magulong mundo ng showbiz.

Kapag siguro stable na ang buong pagkatao at pag-iisip ng bata, puwede siyang magkaroon ng magandang comeback sa showbiz.

Diego is only 23 years old at marami pa siyang panahon para magbago, makabawi at muling bumangon.

Justine Bieber at Hailey Baldwin may ‘baby’ na!

May bagong member na sa pamilya ng mag-asawang Justin Bieber at Hailey Baldwin-Bieber.

Pero hindi ito baby nila kung hindi ang kanilang pet puppy na si Oscar na tinuturing nilang baby.

Maraming post sina Justin at Hailey sa puppy nila na si Oscar. Mula sa pagkain, paglalaro hanggang sa makasama rin nila ito matulog sa iisang kama.

Ito nga ang magiging baby nilang mag-asawa ngayong Christmas at New Year.

Naging maganda nga ang takbo ng buhay nila Justin at Hailey noong ikasal na sila. Ang mas maganda ay magkakasundo ang kanilang mga pamilya.

Noong nakaraang Thanksgiving ay nagkasama ang pamilya nila ni Hailey sa Canada at doon na rin sila mag-spend ng Pasko at Bagong Taon.

Sa isang post ni Justin, nabanggit nito na ang nakaraang Thanksgiving ay ang kanyang first bilang isang married man.

JOHN LAPUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with