^

Pang Movies

Mga artista binawalan nang maghagis ng kung anu-ano sa Parada…!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Binawalan na ngayong taong ito ang paghahagis ng candies, shirts or kahit anon’g bagay mula sa floats during the Parade of Stars ng Metro Manila Film Festival 2018 na gagawin sa Paraña­que City para raw maiwasan ang stampede.

Puwede lang daw maghagis before and after the parade.

Sa dami ng security detail at sa masusing koordinasyon ng City of Parañaque at MMDA, handa na ang gaganaping parada.

Ang Gabi Ng Parangal naman ay gaganapin sa The Theater Solaire sa December 27 with multi-awarded MMFF Best actors and actresses Christopher de Leon, Gina Alajar and Joanna Ampil as part of the jury.

Heart magsisimula na sa pangingilatis!

Inaabangan na ng marami ang muling pagbabalik-telebisyon ng Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista. Kasabay nito ang muling pagbabalik ng reality based artista search na Starstruck sa GMA-7.

Isa si Heart sa mga magiging judges ng kumpe­tisyon kaya’t pati siya ay excited na sa panibagong proyektong ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

Dagdag pa ni Heart ay alam niya na kung paano kikilatisin ang mga contestants upang malaman kung karapat-dapat nga ba sila.

Aniya, “Definitely there’s the x factor but there’s just a spark about somebody. It’s not about how you look. It’s not about how great the singer you are. There’s just something about who you are that makes you different and I think that’s something that I want to look for.”

Kylie may hinahanap pa rin pagkakasal!

Matapos ang kanyang mala-fairytale na kasal kamakailan, hindi na ma-i-describe ang kaligayahan na nararamdaman ni Kylie Padilla.

Pero sa kabila nito, aminado ang Kapuso actress na may hinahanap-hanap pa rin siya—at ito ay ang kanyang pamilya na umalis na muli pagkatapos ng kanyang big day. Aniya, napakabilis daw ng oras na sila’y nagkasama kaya naman sinisigurado niyang magsasama-sama muli sila sa tamang pahanon.

Samantala, abangan si Kylie sa upcoming series ng GMA-7 na TODA One I Love na malapit nang mapanood. Makakasama niya dito ang Kapuso hunk na si Ruru Madrid. Abangan ang kanilang amazing story!

 

vuukle comment

PARADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with