^

Pang Movies

Tunying at Rossel magkakaroon ng affirmation of vows

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Napakabilis talaga ng panahon, Salve A. Ilang tulugan na lamang ay Pasko na.

 

Ang mag-asawang Anthony Taberna at Rossel Velasco-Taberna will have an affirmation of vows (sa halip na renewal of vows) on January 14, 2019 sa Tagaytay City, their 11th wedding anniversary.

Mahalaga sa mag-asawa ang petsang 11.  Eleven years ang age gap nila. Una silang nagkita sa 7-Eleven convenience store nung November 11, 2005 (11-11-05) at exactly 4:11 p.m. Nag-propose naman si Tunying kay Rossel nung Mother’s Day 2006 (5-06).

Sina Tunying at Rossel ay may dalawa nang anak na parehong babae – sina Azasia Zoey (10) at Helga Antoinette (9). Kung ipagkakaloob ng Diyos, gusto rin ng mag-asawa na magkaroon ng anak na lalaki na patuloy nilang ipinagdarasal.

Parehong successful ang mag-asawa sa kanilang respective careers pero magkasanib sila pagdating sa kanilang mga itinayong negosyo, ang Ka Tunying’s bake shop na may walo nang branches na ang pinakabago ay matatagpuan sa North Towers ng SM North EDSA na kamakailan lamang binuksan pero ang grand opening ay itataon sa ika-44th birthday ng kilalang broadcast journalist at TV host na si Anthony on January 16, 2016. 

Very successful din ang events production house ni Rossel, ang Outbox Media Powerhouse Corporation na siyang nag-organize at nag-handle ng Las Vegas-themed grand Christmas Party ng AloGateway/TECSCO company ng businessman-politician na si Gov. Chavit Singson na ginanap sa Rigodon Ballroom ng Manila Peninsula Hotel in Makati City last Sunday evening. Twelve years nang pinamumunuan ni Rossel ang Outbox Media na nagpu-produce rin ng concerts ng mga kilalang singers-performers.

Kung hindi naging misis ni Tunying si Rossel ay baka isa na siyang actress ngayon dahil contract artist na siya noon ng GMA Artists Center at news reporter ng Net-25.

Ang mag-asawang Tunying at Rossel ay parehong devout members ng Iglesia ni Cristo.

Tony gets na gets kung bakit dinudumog

Mukhang may bago na namang `gold-mine’ in the making ang Kapamilya network sa pamamagitan ng 23-year-old actor na si Tony Labrusca.  Kahit saan magpunta ang young actor ay pinagkakaguluhan ito ng fans at ang pinakabago ay nang ito’y magkaroon ng mall show last Saturday afternoon sa Victory Mall ng Tanauan City, Batangas na hindi sinasadyang nasuntok ng isang security guard sa pagnanais na hindi ito masaktan sa mga nagkagulong fans na gustong makalapit sa actor. Naunawaan ni Tony na gusto lamang siyang protektahan ng guard dahil sa pagiging unruly ng fans.  Walang sinisi si Tony lalo pa’t alam niyang sabik lamang siyang makita at malapitan ng kanyang mga tagahanga.

Si Tony ay anak ng kanyang estranged parents, ang actor na si Boom Labrusca (now married to actress Desiree del Valle) at ang singer na si Angel Jones. Isinilang at lumaki si Anthony sa Vancouver, Canada bago ito napunta ng Pilipinas.

Matapos mapanood si Tony sa La Luna Sangre, at sa Glorious digital movie with Angel Aquino, muling mapapanood ang young actor sa isang bagong TV series sa unang quarter ng 2019, ang Mea Culpa na unang tambalan sa telebisyon nina Bela Padilla at JC Santos. 

ANTHONY TABERNA

ROSSEL VELASCO-TABERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with