^

Pang Movies

Angelu naging emosyonal sa 20th birthday ng panganay kay Joko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Angelu naging emosyonal sa 20th birthday ng panganay kay Joko
Angelu & Nicole

Nag-emote ang aktres na si Angelu de Leon sa kanyang Instagram account nang mag-turn 20 ang kanyang panganay na si Louise Nicole de Leon.

 

Si Louise ay anak ni Angelu sa aktor na si Joko Diaz. Kasikatan ni Angelu noong 1998 noong mabuntis siya ni Joko na boyfriend niya noong mga panahon na iyon. 

Napalaki ng aktres si Nicole noon bilang isang single parent. Hindi sila nagkatuluyan ni Joko dahil may anak na rin ito sa ibang babae.

Ngayon ay nasa tamang edad na ang panganay, hindi mapigilan ni Angelu na mag-post ng isang motherly message para rito.

“Happiest birthday my first born! You’re officially a lady now my love. Thank you for being a wonderful daughter. Thank you for being clinging and sweet. Thank you for being (an annoying) big sister to your siblings. Most especially thank you for being a God fearing lady. Thank you for always choosing to be better,” bahagi ng post ni Angelu.

Ama ni Ken na may cancer, bumubuti na ang lagay

Masayang binalita ng Kapuso actor na si Ken Chan na mas bumubuti na ang kalagayan ng kanyang ama na na-diagnose with stage 2 esophageal cancer.

Ayon sa bida ng teleserye na My Special Tatay, patuloy ang pagpapa-chemotherapy nito para mas bumilis ang pagpapagaling nito.

“He’s getting better. Sa awa ng Diyos, hindi siya nagsusuka ng malala. ‘Di ba kapag nag-chechemo, nagsusuka, walang gana kumain pero siya ganado siya. 

“Lumalaban siya, pinipilit niyang kumain, at saka ang tanging lakas niya talaga is My Special Tatay. Wala siyang nami-miss na isang episode,” masayang kuwento ni Ken.

Ikinatutuwa pa ni Ken sa kanyang ama ay tuwing pupuntahan niya ito sa ospital, ang ratings ng teleserye ang tinatanong nito.

“Happy siya kapag nalalaman niya na maganda ‘yung ratings ng My Special Tatay. ‘Yun ang lakas niya, dun siya humuhugot kasi alam n’ya talaga pangarap ko ‘to.”

Ngayon naman daw ay si Ken ang sumusuporta sa kanyang amang may sakit. Kapag wala raw siyang taping, nasa ospital lang daw siya at inaasikaso ang kanyang ama.

“Bale doon na ako sa ospital nagpapahinga. Pero ako ang personal nurse at caregiver ni Papa. Ako ang nagpapakain sa kanya, nagbibigay ng gamot at nagkukuwentuhan kami.

“Sabi ko nga, this time ako naman ang susuporta kay Papa,” pagtapos pa ni Ken Chan.

 

ANGELU DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with