^

Pang Movies

Pagpatay kay Ramgen Revilla naungkat

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Pagpatay kay Ramgen Revilla naungkat
Ramgen Revilla

Seven years ago na pala ang nakalilipas mula nang patayin ang aktor na si Ramgen Revilla sa tahanan nila sa Parañaque City at hanggang ngayon, unsolved pa rin ang kaso.

Napag-uusapan muli ang pagpaslang kay Ramgen na 23-years old noon dahil nga­yon ang ika-pitong anibersaryo ng kanyang kamatayan.

Dahil anak ng sikat na aktor at pulitiko, national news noong October 29, 2011 ang nangyari kay Ramgen na nag-aartista rin.

May mga twist ang kuwento ng pagpatay kay Ramgen, nakakulong pa rin ang kanyang kapatid na si RJ na isa sa mga suspect at nasa ibang bansa naman ang sister nila na si Mara na sinasabi na may kinalaman din sa nangyari.

Hindi na nagsasalita si Genelyn Magsaysay, ang ina ng magkakapatid pero umaasa pa rin siya na mabibigyan ng katarungan ang krimen na ginawa sa kanyang panganay na anak.

Tikom ang bibig ni Reuben Bautista tungkol sa kaso ng kanyang kapatid na si Ramgen. No reaction siya sa mga nagtatanong tungkol sa mga latest update.

Si Reuben ang younger bro­ther ni Ramgen at isa siya sa mga naapektuhan nang husto sa trahedya na nangyari noong 2011.

Sa pagkakaalam ko, aspiring actor din si Reuben pero hindi na natuloy ang pagpasok niya sa showbiz dahil sa pagkamatay ng kanyang kuya.

Marami ang nakisimpatiya kay Reuben sa tuwing nagpo-post ito noon sa social media tungkol sa matinding pangu­ngulila niya kay Ramgen.

Andi madaling nakakahanap ng dyowa

Sa Miyerkules na ang showing sa mga sinehan ng All Souls Night, ang horror movie ng Viva Films na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann.

Siargao-based si Andi pero lumuwas siya ng Maynila para sa presscon at promo ng All Souls Night.

Kinaiinggitan si Andi ng ibang mga kababaihan dahil napakadali niya na maghanap ng mamahalin.

May mga babae talaga na ligawin at kabilang si Andi sa listahan.

Simpleng-simple lang kasi ang anak ni Jaclyn Jose. Kahit sikat na artista, marunong makisama si Andi at walang kaarte-arte sa katawan. Siya ang nagkuwento na gustung-gusto niya ang kanyang payak na pamumuhay sa Siargao na mahirap gawin ng mga artista na nasanay na sa glitz and glamour ng showbiz.

Mga basher wala nang kinatatakutan!

Iba na talaga ang panahon ngayon dahil wala nang takot ang mga basher.

Nang magtanong si Regine Velasquez tungkol sa cyber crime dahil lampas na sa katinuan  ang mga batikos sa kanila ni Ogie Alcasid, lalong tumapang sa paninira ang mga basher.

Parang wala nang kinatatakutan ang mga basher dahil talagang below-the-belt ang mga pang-ookray nila.

I’m sure, malalakas ang loob na mang-imbyerna ng karamihan sa kanila dahil hindi mga tunay na pangalan ang ginagamit nila.

Marami sa mga Pilipino na hindi busy ang gumagawa at gumagamit ng fake accounts. Ang hindi nila alam, may kakayahan na ang NBI at police authorities na malaman ang kanilang kinaroroonan at tunay na pagkatao.

May mga nagsasabi naman na hindi na dapat patulan ni Regine ang bashers niya dahil sa kasabihan na inis-talo. Kung dededmahin ni Regine ang bashers, iisipin nila na hindi siya affected sa mga pang-ookray sa kanya. Ang kaso, tao lamang siya na marunong ma-hurt kaya nakakapag-react nang wagas.

RAMGEN REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with