Brillante judge sa 31st Tokyo Filmfest!
Patuloy ang pamamayagpag ng award-winning director na si Brilliante Mendoza sa international film festivals. No wonder, dedma siya sa hindi pagkakapili ng movie niyang Alpha sa Metro Manila Film Festival.
Nasa 31st Tokyo International Film Festival (TIFF) ngayon si Mendoza hindi lang para sa omnibus film niyang Lakbayan kung hindi para maging jury president para piliin ang winning films.
Kasama ng Filipino director sa panel ng jury ang American film producer na si Bryan Burk, Iranian actress Taraneh Olidoosti, Hong Kong film director Stanley Kwan at Japanese actress Kaho Minami.
“Nakaka-proud because I’ll be judging this time other people’s work. Iba ‘yung pag nag-judge ka ng trabaho ng ibang filmmaker because you know exactly the experience of these filmmakers. Nakakakaba rin,” pahayag ni Brilliante.
Bale ika-apat na pagdalo ng director sa TIFF. Last year, pinangunahan niya ang isang master class para sa aspiring drectors and actors. Siya rin ang kauna-unahang Pinoy na maging president ng TIFF jury.
Hero mas comedy ang pangangampanya kesa kay Herbert
Tough act to follow para kay QC Councilor Hero Bautista ang political achievements ng Kuya Herbert (Bautista) niya. Hindi nga pumasok sa pulitika si Hero dahil na rin sa pagbibigay-daan sa kahilingan ng kanyang kuya.
“Ayaw niya rin kasing masabihan tungkol sa dynasty kaya pag umaayaw siya noon na tumakbo ako, nagpapahaba ako palagi ng buhok hanggang sa pumayag na siya,” pahayag ni Konsehal Hero nang maka-chikahan ng press sa Cafe 80s bar ng isang kaibigan.
Ngayon ay tatakbo sa kanyang second term si Hero. Nasasabihan siya minsan ng kuya niya sa style ng kampanya niya.
“Mas comedy ako kasi kesa sa kuya ko. Nakatulong din ‘yon siguro dahil natutuwa sila sa akin. Pero todo ikot din ako sa distrito ko dahil kapag hindi ka nakikita eh, mahihirapan ka sa susunod mong pagtakbo,” rason ng konsehal.
Pero kahit nasa pulitika, hindi pa rin nawawala ang dugong showbiz sa kanya. Hindi man makagawa ng pelikula, gusto niyang makagawa ng series at plano niyang ibenta sa Netflix.
“Pag nagustuhan ng Netflix ang konsepto, either binibigyan ka ng pera para gawin ito o di kaya’y binibili nila kapag natapos mo na ito,” saad pa ng QC councillor.
- Latest