^

Pang Movies

100 concerts, bibida sa Pinoy playlist…

Veronica Samio - Pang-masa
100 concerts, bibida sa Pinoy playlist…

MANILA, Philippines — Nakatutuwang naisip nina Maestro Ryan Cayab­yab, Moy Ortiz ng The Company at Noel Ferrer na ibaling naman ang pansin ng mga Pinoy na mahilig sa musika at gumagastos ng malaki makapanood lamang ng mga concert, foreign man o local.

Isinagawa nila ang kauna-unahang Pinoy Playlist Music Festival na magsisimula na bukas sa BGC Arts Center at magtatapos sa October 20.

Over 100 concerts from all ages at genres, ethnic, regional, classical, acapella o novelty ay mayro’ng representasyon.

Para sa isang araw na pass ay pwede nang makapanood ng 17 concert kada araw, at 45 minutes ang haba ng bawat isa. Tatlong concerts ang sabay sabay na ipalalabas sa Globe Auditorium, Zobel de Ayala Recital Hall at Sun Life Ampitheater. Anim na concert ang pwedeng mapanood bawat gabi.

Ang halaga ng one day pass ay PHP 750, PHP 350 student rate, PHP 2,500 para sa group of 4. Para sa three day pass PHP 1,500 (regular rate), PHP 750 (student rate) at PHP 5,000 (group of 4).Para sa festival pass PHP 2,500 (regular), PHP 1, 125 (student) at PHP 7,650 (group of 4). Ang isang estudyante ay maaring makapanood ng 36 concerts sa anim na gabi, bale P31.25 bawat concert lang, 102 concerts ang tampok sa anim na gabing musicfest.  Nag-perform nung unang gabi sina Shanti Dope, Gloc 9, Razorback, Jim Paredes at Boboy Garovillo ng APO, Noel Cabangon at Itchyworms.

Go na kayo at samantalahin ang baka hindi na maulit na Pinoy Playlist Music Festival.

Kaya nag-jeep, John Lloyd gusto lang mapag-usapan?!

Nag-viral yung photo ni John Lloyd Cruz na nakasakay ng jeepney. Ano kaya ang motibo ng magaling na aktor sa kanyang ginawa? Pwede naman siyang mag-kotse, at di ba gusto niya ng privacy pero, bakit nagpapakita siya sa publiko? Tulad din nung bumili siya ng prutas sa Pasig, naka-jeepney rin ba siya o sumakay siya sa sarili niyang sasakyan?

Ayun, tuloy pinag-uusapan na naman siya, and he has only himself to blame.

Alora, first kiss si Neil

Buti na lang at sa isang may karelasyon na tulad ni Neil Coleta unang nagkagusto si Alora Sasam. Naintindihan nito at hindi sinamantala ang damdamin ng kanyang nakahalikan sa kanilang movie. No boyfriend since birth (NBSB) si Alora at first time makatikim ng halik sa totoong buhay at sa isang movie pa nila ni Neil. Na-guide siya ng aktor nang mabuti sa kanilang eksena, and by this time ay naka-move na naman siguro ni Alora sa naging epekto sa kanya ng kanilang eksena.

Samantala, bida na si Neil sa isang Cinema One Originals entry na Pang-MMK.

Bianca at Beauty, may reunion

Matagal na ring natapos ang Mga Pusong Ligaw na kung saan ay nakipagpagali­ngan sa pag-arte si Bianca King kay Beauty Gonzales. Sa MMK episode ngayong gabi, sa pamilya naman ng character na ginagampanan ni Bianca ito manlilimos ng awa para siya maka-survive sa buhay.

Bukod kay Bianca, tampok din si Sandino Martin, sa direksyon ni Paco Sta. Maria.

PINOY PLAYLIST MUSIC FESTIVAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with