^

Pang Movies

Elizabeth tuwang-tuwa na pahinga na sa pagpapaiyak

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Elizabeth tuwang-tuwa na pahinga na sa pagpapaiyak
Elizabeth

Thankful si Elizabeth Oropesa na isinali siya sa dramedy na Pamilya Roces.

 

“Matagal ko nang hinihintay na mabigyan naman ako ng isang serye na hindi ako magpapaiyak o ako ang iiyak,” sabi ni Elizabeth sa mediacon. 

 

“Masayahin naman akong tao, kaya ko namang magpatawa, pero laging seryoso ang ibinibigay nila sa aking role. Kaya nang tawagan ako sa Pamilya Roces at sinabi kung ano ang role na gagampanan ko, napapalakpak ako, sabi ko ‘sa wakas, iba naman ang gagawin ko.’”

“Ako rito si Violet Balocboc, kahit ang name ko naiiba, isang dating kontesera na naging backup dancer at kita naman ninyo sa trailer kung ano ang mga isinusuot ko. Basta enjoy ako, kami ni Sophie (Albert) kasi first time din niyang off-beat ang role na ginagampanan. Naging anak ko siya sa one-night stand namin ni Rodolfo Roces (Roi Vinzon). Kaming mag-ina ang number two family ni Rodolfo na at lalabanan namin si number one family, Gloria Diaz, at number three family, si Ana Roces.”

Sa Monday, October 8, mapapanood na ang Pamilya Roces after ng Onanay.

Mavy at Cassy ‘di pinilit nina Zoren at Carmina 

Sina Mavy at Cassy Legaspi na pala ang nag-decide na tumuloy na sila sa pagpasok sa showbiz. Inamin ng kambal nina Zoren at Carmina Legaspi na hindi sila pinilit ng parents nila na sumunod sa yapak nila.

“Noong una po, gusto lamang namin talaga iyong naggi-guest sa TV kapag naiimbitahan kami,” sabi ni Cassy. “Pero ang totoo, mas gusto kong mag-artista, si Mavy kasi, sa sports siya nahilig.”

“Nang madalas na kaming mag-shoot para sa TV commercials namin kasama sina Papa at Mama, nagustuhan ko na ring mag-artista,” sabi ni Mavy. “Kaya nang tanungin kami ng parents namin kung gusto na naming mag-artista, ‘yes’ na ang sagot namin.”

At first TV show nila ang Studio 7 na hindi man sila mahusay kumanta, iba naman ang husay nilang sumayaw, kaya every Sunday, starting on October 14, watch the dancing prowess ng kambal.

Golden natupad na ang pangarap na maka-jam si Regine

Magbabalik on stage ang Top 12 Clashers ng very successful first season run ng original reality singing search on weekend primetime, ang The Clash, bilang pasasalamat sa mga masusugid nilang tagasubaybay sa loob ng tatlong buwan. Two part musical special ito na mapapanood ngayong gabi, October 6, at bukas, Sunday, October 7.

Titled The Clash, Ang Concert Para sa Lahat! ay pagsasama-samahin muli ang first Grand Champion na si Golden Cañedo with Clashers led by the Clash Master herself, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid. Katuparan ito ng dream ni Golden na makasama sa isang stage na kumanta ang hinahangaan niyang singer, si Regine.

Ksama rin sa show ang The Clash Panel na sina Lani Misalucha, Christian Bautista and AiAi delas Alas with special guests Julie Anne San Jose, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales, Donita Nose, Super Tekla, and The Aegis Band.

Ang first part ng special ay mapapanood ngayong gabi after ng Pepito Manaloto, at ang second part, sa Sunday, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

ELIZABETH OROPESA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with