^

Pang Movies

Sam hindi maipaliwanag ang break up nila ni Kiana

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sam hindi maipaliwanag ang break up nila ni Kiana
Kiana Valenciano at Sam Concepcion

May pinagdadaanan pala si Sam Concepcion nga­yon dahil break na pala sila ni Kiana Valenciano. Ito ang inamin ng aktor/singer kahapon sa presscon ng pelikulang Para sa Broken Hearted ng Viva Films.

Na-corner si Sam nang matanong kung sila pa ba ni Kiana at bagama’t halatang hindi agad maamin ng aktor/singer, hindi naman siya nakapagsinungaling.

“Hindi ko pa alam kung paano sagutin ang question, but not at the moment,” ang pag-amin ni Sam.

When asked kung kailan pa, aniya ay ayaw na raw niyang magbigay pa ng timeline pero nang tanunging kung may third party, aniya ay wala naman daw.

Siyempre, ayaw nang sabihin ni Sam ang cause ng break-up at basta ang sinabi lang niya ay maraming factors.

Pero obvious sa interview na sariwa pa ang break-up kay Sam at tila hindi pa siya nakaka-move-on at inamin din naman niyang nasa healing process pa siya ngayon.

“It’s difficult pero we just carry on,” he said.

Natanong nga siya kung mutual decision ba nila ang break-up at ani Sam, “hindi ko alam kung paano sasagutin ‘yung question na ‘yun kasi parang I’m looking for answers myself. Hindi ko mabibigyan ng truth kung... hindi ko pa alam, eh. I’m taking one day at a time.”

Okay naman daw sila ni Kiana. May times naman daw nagkakausap sila dahil nga pareho ang circle of friends nila.

Nabiro nga siya na para sa kanya pala ang pelikulang Para Sa Broken Hearted dahil timing nga na broken hearted siya at natawa niyang sagot, “oo nga, eh.”

Aminado rin siyang mahirap talaga ang broken hearted bilang ilang beses na rin niyang naranasan.

“Mahirap malampasan ‘yang mga ganyang experience. Bago ka maging okay, never-ending na ano ‘yan, eh, parang pain. Magsa-suffer ka muna talaga before it gets better.

“Pero kung gaano ka-dark or kalungkot ‘yung pinagdadaanan mo, mas maa-appreciate mo ‘yung happiness, mas maa-appreciate mo ‘yung mga things in life that make you happy,” sey niya.

Payo ng aktor/singer sa mga broken hearted, “just keep going even if it’s sad or parang things are getting worse, it will get better, as cliché as it may sound.”

Misteryoso ang karakter ni Sam sa Para Sa Broken Hearted dahil siya si Alex at si Dan at magkaiba ang karakter niya sa dalawang katauhan na ‘yan.

Showing na sa October 3 ang Para Sa Broken Hearted mula sa direksyon ni Digo Ricio. Kasama rin sa movie sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes and Marco Gumabao.

Onanay may pasabog

Mas inaabangan ngayon ang kuwento ng Onanay sa Primetime block ng GMA dahil sa parami nang paraming mga sikretong nalalapit na mabunyag. Isa na rito ay ang kahilingan ni Natalie  (Kate Valdez) na malaman kung sino ang sumaksak kay Helena (Cherie Gil).

Isa pa sa inaabangan nila ay ang su­misibol na pag-asa para makalaya si Nanay Nelia (Nora Aunor) matapos makatanggap ng tulong si Maila (Mikee Quintos) mula sa pamilya ni Oliver (Wendell Ramos).

vuukle comment

KIANA VALENCIANO

SAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with