^

Pang Movies

Anak ni Alvin Patrimonio luhaan sa Mutya ng Pilipinas

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Anak ni Alvin Patrimonio luhaan sa Mutya ng Pilipinas
Clarice Patrimonio

Luhaan si Clarice Patrimonio sa Mutya ng Pilipinas 2018 grand coronation night na ginanap sa MOA Arena noong Sunday.

Anak si Charice ng dating PBA Superstar na si Alvin Patrimonio.

Nagpunta sa MOA Arena si Alvin para suportahan si Clarice.

Nakausap ko ang manager ni Clarice, si Therese Poblador at ikinuwento niya sa akin na hindi kasi mas­yadong nakapag-training ang anak ni Alvin para sa Mutya ng Pilipinas 2018.

Pero babawi raw sila.

Magti-training daw ng husto si Clarice at muling sasali sa isang beauty contest.

Ang target daw ni Clarice ay sumali sa Binibi­ning Pilipinas 2019!

Well, sana nga ay paghandaan na talaga ‘yon ni Clarice na in fairness ay beauty and brain din naman, huh!

Goyo ni Paulo nasa mga sinehan pa rin

September 5 nagbukas sa mga sinehan ang Goyo: Ang Batang Heneral na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.

Hindi man masasabing blockbuster ang pelikula, marami rin naman ang nanonood nito.

Si Mr. Ben Chan nga ng Bench, nagpa-block screening pa para sa Goyo: Ang Batang Heneral, na ikinatuwa siyempre ni Paulo na isa sa mga image model nila. May iba rin na nagpapa-block screening ng pelikula.

Marami nga ang pumupuri sa Goyo: Ang Batang Heneral. Maganda ito. Quality talaga at halatang pinagkagastusan.

Nang mag-check ako kahapon ng mga sinehan na nagpapalabas pa rin ng Goyo: Ang Batang He­neral, natuwa ako dahil marami pa rin naman.

Sana, huwag muna itong ma-pull-out sa mga sinehan kahit ika-third week na nila.

Makabuluhang pelikula naman ito, kaya sana may mga iba pang maiwang sinehan ang pelikulang ito ni Paulo at idinerehe ni Jerrold Tarog.

Mag-inang Jenine at Janella walang katapusan ang drama

Parang hindi na talaga matatapos ang mga issue sa mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Pinag-uusapan na naman ng netizens ang daing diumano ni Jenine na mas pinaniwalaan pa raw ng anak ang driver nito na mangungupit kesa sa kanya.

Marami naman ang nagsasabing sana ay matapos na ang mga issue sa mag-ina.

Siyempre, ang pinakamatinding issue sa mag-ina ay si Elmo Magalona na sinasabing ayaw ni Jenine para kay Janella.

Well…

Sunshine pumalag sa isyung ‘generous’ si Cesar

Isa pang issue na hindi matigil-tigil ay sa estranged couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isinulat ng isang kilalang broadsheet columnist.

Sabi kasi sa column ng broadsheet colum­nist, witness daw siya kung gaano ka-gene­rous and kind ang aktor sa mga anak ng kaibigan nito, so paano pa kaya sa mismong mga anak niya?

Nag-post si Sunshine ng sagot niya sa Facebook kaugnay ng column item na ‘yon.

“Generous? LOL! Baka sa mga anak nyang mga bago? Inaanak mo nga ang isa sa kanila right? Sama ka sa korte next week para malaman mo ang totoo. Walang magrereklamo kung totoo yang sinasabi mo Ms. ___________ (pangalan ng broadsheet columnist). Again, this is not about me or for me but for the children.”

Teka! Sagutin kaya ng broadsheet columnist ang sinabi ni Sunshine at sumama kaya siya sa hearing this week?

Well…

Ruffa ayaw ipasilip ang isusuot sa ABS-CBN Ball

Alam mo Ateng Salve, may komontak sa akin at gustong ‘silipin’ ang isusuot at magiging ayos ni Ruffa Gutierrez para sa first ever ABS-CBN Ball na magaganap sa Shangri-La Makati on September 29, pero sabi naman niya, secret pa raw ang isusuot niya.

Basta, ang sigurado, pinaghahandaan niya ‘yon at kumuha na nga siya ng glam team.

Kuwento pa ni Ruffa, para huwag daw silang ma-stress sa traffic, magtse-check-in na raw sila ng maaga pa sa nasabing hotel.

Ang alam ko, may pina-reserve rin na room ang mag-lovey-dovey na sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati sa hotel na ‘yon dahil doon na nga sila magpapaayos at mahirap nga naman na ma-traffic sila at ma-late sa important event na ‘yon ng Kapa­milya network, huh!

Oo nga pala, tiyak na aabangan at pag-uusapan ang mga isusuot at hitsura ng mga celebrity na a-attend sa ABS-CBN Ball!

CLARICE PATRIMONIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with