Paolo pinatunayang apo ng National Artist!
Proud na proud si Paolo Ballesteros sa Filipiniana gown na isinuot ni Agatha Lei Romero sa Terno Competition ng 50th Mutya ng Pilipinas noong Martes ng gabi.
May dahilan para magmalaki at matuwa si Paolo dahil siya ang designer ng Filipiniana gown ni Agatha na inspired ng Philippine flag.
Ni-reveal ni Paolo na siya ang designer ng gown ng kandidata ilang oras bago maganap ang Terno Competition kaya inabangan at tinutukan ito ng mga mahilig sa beauty pageant.
In fairness, marami ang pumuri sa gown na idea ni Paolo kaya hindi nakapagtataka kung marami pa ang magpagawa sa kanya ng mga damit sa mga susunod na araw.
Pinatunayan ni Paolo na apo talaga siya ng National Artist na si Fernando Amorsolo. Minana ni Paolo ang pagiging artist ng kanyang lolo dahil magaling din siya na magpinta, kinikilala na King of Make Up Transformation sa Pilipinas at ngayon, isa nang certified fashion designer.
Aspiring actor na user, mabilis nabuko ang plano
Nanahimik na ang isang aspiring actor na may image na user at may history ng panggagamit sa mga nakakarelasyon niya.
Namulat sa katotohanan ang aspiring actor na bigo ang plano na ipagsigawan sa buong mundo na siya ang secret lover ng isang aktor dahil hindi nito pinatulan ang mga emote at pralala niya.
Matalino at matalas ang pakiramdam ng aktor na alam kung true love ang nararamdaman para sa kanya ng mga nakakarelasyon niya o ginagamit lamang siya.
Hindi nagdalawang-isip ang aktor na hiwalayan ang aspiring actor nang mapatunayan niya na ‘Use me in a sentence’ ang mhin na sinasadya na makipagrelasyon sa mga personalidad na kilala para magkaroon ng mga free publicity at matupad ang dream na maka-penetrate sa showbiz.
GMA Pinoy TV mamimigay ng advance na regalo sa California
Kahit malakas ang buhos ng ulan kahapon, itinuloy ng GMA 7 ang presscon para sa Kapusong Pinoy: Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim ng GMA Pinoy TV.
Starring sina AiAi delas Alas, Marian Rivera, Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Super Tekla at Donita Nose sa concert na pinakahihintay sa Anaheim, California.
Ang The Grove Anaheim ang venue ng Paskuhan at Kantawanan sa Anaheim na advance Christmas gift ng GMA Pinoy TV para sa mga kababayan natin sa California.
Magaganap sa October 7 ang early Christmas concert ng Kapuso Stars at very affordable ang ticket prices na $75, $50 at $35. May meet-and-greet para sa mga bibili ng tickets na nagkakahalaga ng $75.
Front act naman sa Paskuhan at Kantawanan ang mga talented Pinoy singer na naninirahan sa California.
AiAi fully-booked ang sked
Ang nalalapit na show sa Anaheim ang isa sa maraming dahilan dahilan kaya fully-booked ang schedule ni AiAi delas Alas.
Bago siya pumunta sa US, uumpisahan ni AiAi ang shooting ng Sons of Nanay Sabel, ang comedy movie ng Viva Films na pagbibidahan nila ng kanyang mga talent, ang Ex Battalion.
Sa Lunes, September 17, ang first shooting day ng Sons of Nanay Sabel at sa September 16 naman ang soft opening ng bagong restaurant ni AiAi sa isang sikat na mall sa Quezon City.
Kailangan nang simulan ang shooting ng Sons of Nanay Sabel dahil sa November 2018 na ang playdate ng pelikula na binabalak ng Viva Films na gawin na birthday presentation ng Comedy Queen.
- Latest