Ryan hiyang sa pag-aalaga ni Vice!
Ang lakas ng dating ng anak-anakang Koreano ni Vice Ganda na si Ryan Bang na ilang taon na ring nasa poder niya. Nag-mature na siya at lalong naging pogi.
Iba talaga pag si Vice ang nag-alaga, tiyak nasa mabuting landas ka.
Kahit bulol pa rin magsalita ng Tagalog si Ryan, ayos lang naman. Sa tagal na rin naman ng pagiging Kapamilya ng aktor, may posibilidad na mabigyan siya ng isang serye ng ABS-CBN tutal ay uso naman ang mga palabas sa mga network ang Koreanovela, at lahat halos ay magaganda like yung natapos na The Princess Hours sa GMA-7. Pero sa ngayon ay mananatili pa rin muna sigurong taga-palo ng gong si Ryan sa Tawag Ng Tanghalan sa Showtime, plus pa rin naman ito sa kanyang exposure!
Gary ayaw nang maging choosy
Nakatsikahan namin sa teyping ng noontime series na The Stepdaughters sa GMA 7 ang magaling na senior actor na si Gary Estrada.
All out ang pasasalamat niya sa mga top bossing ng network dahil sa ibinigay na project sa kanya na gumaganap na tatay ni Katrina Halili.
Malapit na rin magwakas sa ere ang said series, pero mayroon nang isang soon to be seen primetime series ang Kapuso at kinausap na siya na kasama siya sa cast sa role na tatay muli. Okay lang daw kay Gary kahit ano pang role ang ibigay sa kanya, what he needs ay trabaho. Lalo na sa panahon ngayon na mahal lahat ng bilihin at hindi lahat ay can afford kung walang income.
Sa totoo lang hindi naman kinakapos si Gary, pero maganda na rin daw yung mayrong pinagkakakitaan.
Sabagay, magaling na artista si Gary kaya naman di siya nawawalan ng offer, at sa talagang dugong artista ang dumadaloy sa kanyang ugat. Kadugo siya ni George Estregan at kapatid sa ama ni Laguna Gov. ER Ejercito, bukod pa kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, nandiyan pa si Sen. Jinggoy Estrada. Anak ni Gary ang young TV actor na si Kiko Estrada.
Personal…
Ang bigat sa dibdib ng dinadala ko, at ng pamilya ko, mga kaanak, si Ate Norma, sina Joey + Meng, Sunshine at pamilya nila Kathy, Joy Oliver, Boogie, Jenny, Jenn and Jeff. Parang may bato na nakadagan sa dibdib ko dahil sa pagkamatay ng kapatid namin na si Eddie G. Celi. Namatay siya last Wednesday morning 5 o’clock sa heart failure. Nabigla ako sa balita napahagulgol ako sa iyak, comfort to the rescue naman ang anak kong si Jenny na pinigilan akong umiyak at baka tumaas ang BP ko at baka ako naman ang maisugod sa hospital. Kinalma ko ang sarili ko at nagdasal. Sa iba pang mga kaanak namin, nakahimlay ngayon ang labi ni Eddie G. Celi sa kanilang tahanan sa Bgy. Sta. Teresita Angeles City, Pampanga.
Ang mga naulilang asawang si Pinat, mga anak na si Edith, Jimmy at mga apo. Eternal rest grant unto his soul, oh Lord and let perpetual light shine unto him. Amen!Salamat sa mga nakiramay at sa mga nag sent ng condolences message-prayers Ricky Lo, Ethel Ramos, Linda Rapadas, Nora Calderon, Mell Navarro, and PMPC. Your messages lessen our stress and sorrows. Thank You Lord!Thanks for everything. (Mula po sa Pilipino Star Ngayon at Pang Masa, ang amin pong pakikiramay sa inyong pamilya. - Salve A)
- Latest