Mga pelikulang pinalalabas ang bilis ma-download!
Grabe ngayon, hindi na nababantayan ang mga nagpa-pirate ng mga pelikula.
May mga report na ang daming nagre-record sa mga sinehan ng mga pelikulang pinapanood nila, mapa-Tagalog o English. Hindi man siguro buo pero siyempre, andun na ang highlights.
Wala na talagang disiplina ang mga tao ngayon dahil sa social media. Kahit anong pagsisikap ng mga totoong nagmamalasakit sa industriya sa pangunguna ni FDCP (Film Development Council of Philippines) Chair and CEO Liza Diño na isulong ang Tagalog films kung walang pakikisama ang marami nating kababayan, useless. Walang mangyayari.
Oo nga at social media na ang buhay ng mga Pinoy, pero naman isang malaking kasalanan ang ginagawa nilang pangongopya sa pelikula na ginagastusan ng mga producer.
Sana nga ay masolusyunan ito ng mga sinehan at mabalik naman ang kaayusan ng attitude ng mga kababayan nating nawalan na nga pagpapahalaga sa pinaghirapan ng iba.
Ito ang totoong problema, hindi ang mga pelikula.
Anyway, ano nga ba ang balita sa Optical Media Board (OMB)? Sila ang responsible sa piracy sa CDs and DVDs pero sa piracy kaya sa downloading may magagawa kaya sila?
- Latest