^

Pang Movies

Anak ni E.R. itutuloy na ang pag-aartista

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Anak ni E.R. itutuloy na ang pag-aartista
Jerico Ejercito

Ang dugong artista ay parang pagkit na pandikit. Nakadikit na ‘yan sa katawan. Buti na lang at tapos na ng college si Jerico Ejercito, anak ng dating Laguna Governor George “E.R.” Ejercito at Mayor Maita Ejercito ng Pagsanjan.

Full time actor na si Jerico noong bata pa siya. Nagkataon na pagdating sa edukasyon ay istrikto si ER sa mga anak aniya, kung gusto nilang mag-artista, magtapos muna sila ng pag-aaral. Sa madaling salita, naka graduate na ng college si Jerico at ngayon ay may ginagawa siyang pelikula.

Mga batang kasali sa YFSF, kinabibiliban!

Palung-palo kami sa Saturday TV show sa ABS-CBN na Your Face Sounds Familar Kids kung saan ang host ay si Billy Crawford, ang mga hurado naman ay sina Sharon Cuneta, Ogie Alcasid at Gary Valenciano. Ang mga coach naman ay sina Jed Madela at Nyoy Volante.

Ang gagaling ng mga contestant na bagets, wala kang itulak kabigin sa kanila, mahahalata mong salang-sala ang pagpili ng mga kalahok. Ang tema ng patimpalak ay hahanapin nila ang kanilang gagayahing singer, foreign singer or local. Kung ano ang ayos at itsura ng gagayahin nila hindi lamang style at boses kundi pati mukha. Napanood ko si Alonzo Muhlach, anak ni Niño Muhlach na isa sa mga contestant, ang tangkad niya at magaling din sumayaw at kumanta, hindi man siya pinalad na manalo pero siya ang pinaka sikat. Sa totoo lang gusto naming batiin at palakpakan ang make up artist at stylist na nag-aayos sa mga batang kalahok, ang galing nilang mag-put up ng make up. Swak! clap clap clap!

PMPC Star Awards for Music uulanin ng mga artista

Gaganapin ang PMPC Star Awards for Music sa Resort World Manila sa Sept. 9, 2018 sa ganap na alas-otso ng gabi po ang simula. Produced by Tessie Celestino-Howard ng Airtime Marketing, Inc. As usual, star studded na naman ang gabi ng parangal na ito ng PMPC (Philippine Movie Press Club) kita-kits na lang tayo mga ka-friendship.

‘End of the world’ malapit na?!

Pansin ba ninyo nitong mga nakaraang araw, walang tigil na ulan, hangin at mga baha sa maraming dako ng bansa? Ang mga baha, kahit sa konting ulan ay nagmimistulang dagat sa iba’t ibang panig ng bansa. Mga lugar na hindi dating binabaha ay ngayong taong 2018 nakakaranas ng baha. Napansin din ninyo na marami ang isdang namamatay kaya kapag namimili kayo ay magugulat kayo sa kamahalan. Sa ilang parte ng bansa libu-libong manok ang napepeste kung kaya marami raw ang mga langaw na nakaka-apekto na sa mga tao at nagkakasakit lalo sa mga bata. Sa isang foreign news sa TV, ibinalita ang mga kalamidad na nangyayari sa iba’t ibang bansa, ang wild fire sa California, pagputok ng bulkan sa Hawaii, paglindol sa Indonesia, pagbitak at pagguho ng mga lupa sa China.

Ang mga nangyayari ngayon na “unbelievable” pero nakikita natin na nagkakatotoo ay hudyat na raw ng nalalapit nang “end of the world”, Jesus is coming back!

Sa ayaw at gusto natin, maniwala ka man o hindi, nalalapit na ang paghuhukom.

Sa kabila ng pagiging pasaway ng mga tao, ang mabuting Diyos ay nagpapatawad pa rin. Hindi pa huli, puwede pang magbago ang lahat.

Tayo ay magsisi sa ating mga kasalanan.

Magdasal, mahalin ang kapwa tao, painumin at pakainin ang mga nagugutom. Maging mabuting Kristiyano at magbalik loob sa Panginoon.

Personal...

My sincerely condolences sa katotong Evelyn Dinosa sa pagyao ng kanyang anak na si Miracle Joy Diao, 29 years old dahil sa sakit na Pneumonia.

Eternal rest grant unto her soul oh, Lord, and let perpetual light shine unto her now and forever. Amen!

JERICO EJERCITO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with