^

Pang Movies

Jing, likas na ang pagiging matulungin

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Jing, likas na ang pagiging matulungin
Jing Castañeda-Velasco

Saludo kami sa mga staff na bumubuo ng Bantay Banta 163, Salve A., sa pangu­nguna of course ni Jing Castañeda-Velasco na siyang program director.

Nakakataba ng puso ang ipinadadama nilang pagmamahal, pagkalinga at pagbibigay pag-asa sa mga batang kanilang inaruga at tinulungan para gumaling, makabangon at hangaring makabawi sa kung anumang kanilang sinapit. Kung minsan pa nga, sa mismong mga kadugo pa nila at inaasahang magtatanggol sa kanila nararanasan ang pang-aabuso.

Isang mabuting ehemplo na riyan si Len, na ngayon ay 21 years old at nasilbing tagapagsalita ng mga kabataang inampon, inangkin at tinangkilik ng Bantay bata 163.

Sa murang edad, iniwanan siya ng kanyang ina. Naranasan niya nang abusuhin ng mismong tiyuhin at lolo. Pero ngayon, isa na siyang volunteer sa nasabing organisasyon, nakatapos na rin siya ng pag-aaral at nakasisigurong may maganda nang bukas na naghihintay sa kanya.

Ayon kay Jing, via Bantay Bata 163 Children’s Village na tinatag noong 2003, maraming bata ang akala nila’y wala nang kinabukasang naghihintay sa kanila, tulad ni Len, pakiramdam nila ay hindi na sila makakapamuhay pa ng normal.

Matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan ang Children’s Village kung saan naninirahan ngayon ang mahigit 120 na bata na nakaranas abusuhin physically at emotionally.

Merong napakagandang pasilidad ang nasabing tahanan, kumpleto sila sa medication room, music room, arts and culture, pati library para sa mga batang ‘di nakapag-aral.

May eskuwelahan na malapit sa village para sa mga batang nasa edad na para mag-aral, doon sila puwedeng pumasok. “God is good,” susog pa ni Jing. “Binigyan niya ang village ng mga taong bukas ang palad sa pagtulong sa lahat ng kailangan ng organisasyon.”

Ang tinutukoy niya rito ay sina Herbert Bautista at Joy Belmonte na pawang mga Mayor at Vice Mayor ng lugar ng Quezon City

Si Jing naman ay kilalang ABS-CBN reporter at news anchor sa DZMM.

Likas na sa kanya ang pagtulong, ayon sa mga nakakakilala sa kanya.

Kaya nga raw ang original ambition niya ay maging doktor. Pero masyado raw mahal mag-aral ng medisina, kaya ang kanyang second choice ay ang maging journalist.

Tatlo ang anak ni Jing, ang kanyang panganay ay 15 years old na.

Makisig balik Australia na uli

Ngayong tapos na ang series na Bagani, babalik na raw muli si Makisig Morales sa Australia kung saan nakatira ang kanyang pamilya.

Nag-umpisa si Makisig sa pagiging child star at 10 years old lang daw siya noon nang mapagdesisyunan ng kanyang pamilya na makipagsapalaran sa Australia.

Bumalik lang daw siya sa Pilipinas dahil sa offer sa kanya na gawin ang Bagani.

Ang nasabing programa ay pinagbibidahan nina Enrique Gil at Liza Soberano.

Gary ayaw papigil sa trabaho

Kahit na kailangan niyang maghinay-hinay dahil sa payo sa kanya ng kanyang doktor na huwag biglain ang sarili dahil hindi pa siya lubos na magaling, nagpapaka-busy pa rin si Gary Valenciano.

Busy sa trabahong malapit sa kanyang puso kung saan siya nag-e-enjoy.

Sa ngayon, alam naman nating lahat na nakabalik na siya sa Your Face Sounds Familiar Kids kasama sina Ogie Alcasid at Sharon Cuneta.

Balik din siya sa ASAP live kada linggo at looking forward din siyang makabalik na bilang hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime.

And guess what else Gary looks forward to?

Ang kanyang upcoming performance sa Sydney, Australia kasama ang ASAP Live fa­mily, ang The Kapamilya Party Down Under.

Nariyan din siyempre ang kanyang bagong album kung saan mapapakinggan ang kanyang mga bagong kanta.

Keep up the good work, Gary, but not at expense of your health.

JING CASTAñEDA-VELASCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with