^

Pang Movies

Direk Dominic buwisit na sa bashers ng Victor Magtanggol!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Direk Dominic buwisit na sa bashers ng Victor Magtanggol!
Alden

Inamin ng GMA resident director na si Dominic Zapata na nakaramdam siya ng frustration sa mga netizen na bina-bash ang latest project nila na Victor Magtanggol.

 

Ang naturang telefantasya na pinagbibidahan ni Pambansang Bae Alden Richards ay inakusahan ng ginaya raw ang Marvel movie na Thor.

Nakilala si Direk Dom sa pagdirek niya ng mga top-rating telefantasya sa GMA-7 tulad ng Mulawin, Darna, Captain Barbell, Super Twins, Sugo, Zaido: Pulis Pangkalawakan at Mulawin Vs. Ravena.

Pinagtanggol ni Direk Dom ang Victor Magtanggol na hindi ito isang copycat ng Thor movie.

“Nafru-frustate ako kasi nung ginawa ‘yan ng Marvel, hiniram lang nila ‘yan sa Norse Mythology, tinira ba sila? Tinira ba sila ng Pinoy? Hindi.

“Pero nung tayo gumawa sarili natin titirahin natin, pareho lang tayo nanghiram sa Norse culture. So, bakit tayo ganun sa sarili natin?” diin ni Direk Dom.

May mensahe nga siya sa bashers ng project na isipin na lang nila ang mga taong nagtatrabaho ng maayos sa production ng Victor Magtanggol.

“Sige na, bash it all you want but for you to tell people na parang indirectly na huwag n’yo panoorin ‘to. Para sa mga taong ‘yun please understand na every show employs about over 200 people.

“Dalawang daang tao po ang umaasa sa kanilang programa para meron po silang kikitain, may madala silang hanapbuhay for the next three to four months.

“Hoping five months maybe even six months ganun po ‘yung industriya namin… So every time po na gusto n’yo mang-bash ng show and make people not watch that please remember that this show represents not only individuals, but their families as well.”

Confident naman si Direk Dom na makakapag-deliver sila ng isang quality show at sana’y huwag itong husgahan agad ng mga hindi pa nakakapanood.

“We are only trying to make an honest living and we will not shortchange you with something that’s trash.

“It’s quality work, so give it a shot,” pagtapos pa ni Direk Dom.

Tatay ni Paul sumiklab na ang galit kay Barbie

Tahimik lang ang aktor na si Paul Salas sa eskandalo na sinimulan ng kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa social media.

Mas lalo raw lalaki pa ang gulo kapag may sinabi pa siya. Kaya naman ang kanyang ama na si Jim Salas ang nagsasalita kaugnay sa physical abuse accusations sa kanyang anak.

Ayon kay Jim, kung may totoong sala raw ang kanyang anak, dapat ay ni-report muna ito ni Barbie sa barangay o sa pulisya. Hindi ‘yung inuna pa niyang mag-selfie ng mga sugat at pasa niya sa katawan.

“Kilala n’yo si Paul at alam niyong hindi niya kayang gawin yun.

“Alam namin ang totoo. Alam ng Diyos ang totoo.

“Mahirap magsalita agad dahil sarado utak ng mga tao.

“Kung totoo ang sinasabi ng babaeng ‘yun, bakit hindi siya nagsumbong sa pulis o kaya barangay?

“Nagka-oras pa siyang mag-selfie ng mga sugat niya na hindi naman gawa ni Paul. “Malalaman niyo rin ang totoong kwento.

“Sa ngayon, maging bukas ang isip naten na dalawa ang kuwento parati sa istorya at antayin ang kwento sa side ng anak ko.

“Maraming salamat sa inyong mga totoong nag mamahal kay Paul at sa amin.”

Naglabas ng ilang photos si Barbie sa social media na may caption na “No to physical abuse. NEVER AGAIN.”

Sa mga photos, makikita ang pasa ang dibdib ni Barbie at may mga kalmot sa kanyang mga braso.

Star ni US President Donald Trump wasak-wasak na

Winasak ng husto ang star sa Hollywood Walk of Fame ni US President Donald Trump.

Nag-viral ang photo ng basag-basag na star ni Trump na ginamitan ng isang pickax.

Naganap daw ang pagsira sa star ni Trump at around 3:33 AM.

Nakatanggap ng tawag ang LA police station sa isang witness na nagngangalang Patricia Cox. Nakita raw niya na may isang lalake na binabayo ng pickax ang star ni Trump sa Hollywood Boulevard.

Inaresto ang suspect na si Austin Clay, 24 years old at kakasuhan nila ito ng suspicion of felony vandalism.

Ayaw magsalita ni Clay sa kanyang motibo kung bakit niya winasak ang star ni Trump. Nahaharap siya sa multang $20,000.

Maraming turista na ang kumuha ng photo at video ng sinirang star ni Trump na matatagpuan sa harap ng Hollywood & Highland center, na isang major tourist spot in Hollywood.

Ilang beses nang naging biktima ang star ni Trump ng vandalism ever since na manalo ito sa US presidential election.

VICTOR MAGTANGGOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with