Kanta ni Erik mas emosyonal nang makasama si Regine
Sino ba ang hindi sasaludo sa rendition nina Erik Santos at Regine Velazquez-Alcasid sa Pagbigyang Muli?
Maganda na ang original song na ito ni Erik pero mas gumanda pa nang kantahin nilang dalawa.
Unang linya pa lang ni Regine, goosebumps na talaga.
Parang ayaw nang ipakanta ang nasabing kanta sa iba, dahil grabe ang taas ng notes. Para kang mapapatiran ng litid.
Dahil nga sa makapigil hiningang collaboration nila na ito, trending na sila agad sa YouTube kahit na bagong labas pa lamang ito. Sa ngayon ay mayroon na silang 105,466 views to be exact.
Hiniritan tuloy si Regine ng ilang fans na lumipat na sa ABS-CBN dahil siya na lang ang hinihintay na coach na kailangan para sa The Voice ng Kapamilya Network kahit meron naman siyang hino-host na singing competition sa GMA 7 na The Clash.
- Latest