Manny laging nakakapit sa diyos
Last Sunday sa Fight of the Champions nina Senator Manny Paquiao at Lucas Matthysse sa Kuala Lumpur, parang nag-ensayo lang si Sen. Manny na parang hindi man lang pinagpawisan. Naka-seven round lang, knock down na si Matthysse.
Milyong Pilipino ang nagbunyi, grabe sa totoo lang, wala kaming naramdaman na matatalo si Sir Manny, lalo pa’t kakampi niya ang Panginoong Diyos at mga dasal ng Pinoy na naka-alalay sa kanya.
Walang imposible sa ating Diyos na si Hesukristo.
Mabuhay ka Sir Manny! Alam po ninyo si LORD JESUS, basta nakakapit ka sa kanya at may maganda kang puso sa kapwa mo hindi ka niya iiwan.
Congratulations!
Singing Pastors ng GenSan parang walang ensayo
Nalungkot lang ako sa mga singing pastor or male choir na umawit ng Pambansang Awit na Lupang Hinirang sa laban ni Sen Manny Pacquiao, kulang kasi sa Harmony na para bang umawit lang sila sa banyo habang naliligo, mararamdaman mo na parang walang ensayo dahil hindi pa sila sabay-sabay sa pag- awit.
Anyway, hindi naman malaking kapintasan ito dahil natapos naman nila ng walang aberya ang ating makasaysayang Pambansang Awit. Well, next time, sana lang sa susunod na mga laban ni Sir Manny ay mapag handaan nang maigi kung sino man ang kakanta ng ating Pambansang Awit, pagkat milyun- milyong tao ang nakakapanood sa iba’t ibang panig ng mundo. Alalahanin natin na Ang ating Pambansang Awit ang sumisimbolo ng ating buong lahi at bilang tunay na Pilipino. Yun lang!
Rodjun hindi Masaya sa bagong role
Nagtanong kami kay Rodjun Cruz, ang isa sa lead stars ng bagong TV series na Kapag Nahati Ang Puso sa GMA 7, parang hindi siya masaya sa role na ginagampanan sa nasabing serye. Tikom palagi ang bibig pag nagsasalita, parang bakla. Natawa tuloy ang binata, ‘yun daw kasi ang hinihihingi ng role. Hindi raw siya bakla, pero wala naman daw siyang galit sa bakla. May respeto raw siya sa mga taong kabilang sa third sex.
Well, sabagay.
Resort nina Aljur at Vin sa Batangas, magandang pahingahan
Pahapyaw naming nakita ang resort nina Aljur at Vin Abrenica na isang bayan sa Batangas City, ang ganda! Ito yung Patio Alfonso. Tabi ng dagat, pero may malaking swimming pool, pambata at pang- adults. Mga nakapaligid na kubol-kubol, building at mga pahingahan, semi hotel-restaurant at isang lugar na kung saan naroon ang mga musical instruments para sa mga bakasyonista at gustong mag-relax.
Mga singer ang parents nila na nagbanda sa abroad at nag-ipon at heto, isa nang big property ang naipundar. Mga purong Kapampangan ang mga Abrenica, pero instead of putting their business sa Pampanga na muntik nang matabunan ng lahar ng pumutok ang Mt. Pinatubo, sa Batangas sila nakabili ng mala-bundukin na lupain at malapit nga ito sa dagat na ginawang resort.
Personal…
Our sincere comdolences sa Bulgar editor na si Janice Navida & family sa pagkamatay ng kanyang husband na si Dariuz Dada Navidad, na showbiz photo man. Atake sa puso. Eternal rest grant unto Dariuz Dada Navidad oh Lord, and let perpetual light shine unto him. May he rest in peace now and forever. Amen!
- Latest