Kaso ng Chiong Sisters binubuhay!
May big reveal sa pelikula
Nakakaloka naman ang kumakalat na balita na buhay ang tunay na Jacqueline Chiong, ang kidnap at rape victim na nawawala pa mula noong July 16, 1997.
Hindi natagpuan ang katawan ni Jacqueline kaya umiikot ang balita na buhay siya pero ibang pangalan ang ginagamit.
Bukas ang showing sa cinemas nationwide ng Jacqueline Comes Home kaya malalaman natin ang katotohanan tungkol sa disappearance ni Jacqueline, base sa mga eksena sa movie directorial debut ni Ysabelle Peach, ang anak na bunso nina Donna Villa at Carlo Caparas.
Kung true ang ikinakalat na tsismis na alive si Jacqueline Chiong big news talaga ito para sa lahat ng mga sumusubaybay sa rape slay case nila ng kanyang kapatid na si Marijoy.
Jacqueline walang pinagkaiba kay Elvis Presley
Puwedeng walang ipinagkaiba ang kaso ni Jacqueline Chiong at ni Elvis Presley, ang King of Rock and Roll.
Ipinagluksa ng buong mundo ang pagkamatay ni Elvis noong August 16,1977 pero ang claim ng avid fans, pineke ang pagpanaw ng sikat na American singer para magkaroon ito ng tahimik na buhay.
May mga kiyeme-kiyeme na Elvis sightings sa iba’t ibang panig ng Amerika pero walang makapagpatunay na alive and kicking siya.
Sa dami ng mga Elvis Presley impersonator, hindi siya talaga mawawalan ng mga kaloka-like at sila siguro ang nakikita ng fans na hindi matanggap na natsugi na ang idol nila.
Ang asawa ni Elvis na si Priscilla at ang kanilang only daughter na si Liza Marie ang makakapagsabi na ang katawan ng tunay na Elvis ang nakalibing sa Meditation Garden ng mansion niya sa Graceland, Memphis, Tennessee na isa nang museum at taun-taon na dinarayo ng daan-daang libong turista.
Michael Jackson tsinismis din na pineke ang pagkamatay
Nang mamatay si Michael Jackson noong June 2009, may naghasik din ng tsismis na pineke ang kamatayan niya dahil type ng King of Pop na maging private citizen.
Hindi pinatulan ang hoax na balita dahil buhay na buhay ang ina, mga kapatid at mga anak ni Michael na saksi nang ilibing ang lifeless body niya sa Forest Lawn cemetery.
Tightly-guarded ang puntod ni Michael sa Forest Lawn cemetery para hindi ito malapitan ng vandals at ng fans na naghahanap ng mga souvenir mula sa libingan ng isa sa mga pinakasikat na entertainer sa buong mundo. Icon na ang turing kay Michael na mahirap nang mapantayan at lalong hindi na mapapalitan.
Kris tanggap na nilalangaw ang pelikula
Kris Aquino is Kris Aquino. Shocked ang fans dahil sa admission ni Tetay na hindi malakas sa box office ang pelikula nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ang I Love You Hater.
Hindi makapaniwala ang fans na aaminin ni Tetay ang the truth pero nakakalimutan yata nila na normal ang pagiging brutally frank at honest ng kanilang favorite actress.
Naloka ang fans dahil si Tetay ang nag-break ng news, hindi ang Star Cinema, ang produ ng pelikula na may higit na karapatan na mag-release sa public ng official box office gross ng I Love You Hater.
Well, tulad nang sinabi ko, Tetay is Tetay. Kung nagagawa niya na i-share sa publiko ang mga eskandalo sa kanyang personal life, ang kinita pa kaya ng I Love You Hater?
Taberna couple hindi nagbabago sa mga kaibigan
Hindi binanggit ni Tetay ang pangalan ng mga kaibigan na madalas na pinadadalhan siya ng pagkain at maganda ang pakikitungo sa kanya, kahit hindi na pangulo ng Pilipinas ang Kuya Noynoy niya.
Hindi man nag-mention si Tetay ng pangalan, may mga hula na si Anthony Taberna at ang misis nito na si Rossel Taberna ang mga tunay na kaibigan niya.
Hindi mga fair weather friend ang Taberna couple dahil very supportive sila kay Tetay at sa lahat ng mga ginagawa nito.
- Latest