^

Pang Movies

Piolo sumagot sa pag-ayaw ni Daniel sa Marawi

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Piolo sumagot sa pag-ayaw ni Daniel sa Marawi
Daniel

Kinumpirma ni Piolo Pascual na hindi na kasama sa pelikulang Marawi si Daniel Padila dahil sa schedule ng young actor.

“Si DJ (palayaw ni Daniel) kasi, mahirap, kasi we’re gonna shoot in August and his movie (The How’s of Us with Kathryn Bernardo) is coming out in August,” paliwanag ni Piolo nang makausap namin sa press launch ng bago niyang ine-endorse na MegaPro Plus and MegaSound Karaoke System with Wacky Kiray na gina­nap last Thursday.

“They’re out of the country right now, shooting. So, siyempre, ang priority mo, ABS-CBN, Star Cinema. So, it’s hard to compete or even ask for clearance. Even if the person wants to do it kung hindi ka naman papayagan, or may conflict sa sched, mahirap ipilit ‘yun kasi at the mercy of ground zero.

“Kung kaylan kailangan nang irehabilitate ‘yung Marawi so, hindi kami nakadepende sa schedule ng artista.”

Ayon pa kay Piolo ay napakaganda raw talaga ng istorya at masuwerte raw talaga kung sino man ang gaganap sa dapat ay role ni Daniel.

May naiisip na ba silang kapalit ni Daniel?

“We’re still casting. Meron naman kaming naka-line-up. Maski ako, aarte rin ako, kinuha ako ng direktor, hindi ko alam kung kakayanin ko. Pero, ayun, pag nangyari ‘yun, malaking pasasalamat din dahil hindi naman para sa atin ito. Para sa mga tao, para sa bayan,” he said.

Samantala, happy naman si Papa P (tawag kay Piolo) na may mga endorsement pa rin siyang dumadating at may mga nagtitiwala pa rin sa kanya.

“I’m just really happy and thankful kasi nga, meron pa pala tayong mga nakukuhang mga ganito kahit na medyo nagkakaedad tayo. I’m just happy that you know, the trust is still there.”

Natanong naman ang mga bosses ng MegaPro Plus and MegaSound Karaoke System kung bakit sina Piolo at Wacky ang napili nilang maging endorser at anila ay natutuwa raw sila sa komedyante’t noon pa raw talaga ay tinutulungan na raw sila nito.

“Napakapabait na tao ni Wacky, napaka-down to earth at saka talagang lalo na nga­yon, ‘yung career niya, talagang umuusbong,” sabi ng isa sa executive ng produkto.

Si Piolo naman, alam daw nilang napaka-effective na endorser nito bukod pa sa maga­ling ding kumanta.

“Talagang malaking tulong siya,” sabi pa ng exec.

Walang pahinga Luis naospital!

Naospital si Lucky Manzano base na rin sa kanyang Instagram post na larawan ng kamay niya na naka-dextrose.

“Hindi masama magpahinga, bronchitis got me,” ang caption ni Luis sa larawan.

Nag-comment naman ang girlfriend niyang si Jessy Mendiola na “hindi masama.”

Reply naman ni Luis, “hi, nurse andi” na karakter ni Jessy sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Sagot naman ulit ni Jessy, “@luckymanzano dito lang ako.”

Ang iba ring celebrities tulad nina Angelica Panganiban, Marvin Agustin, Vina Moralez at Zsa Zsa Padilla ay nag-iwan ng kani-kanilang “get well soon” messages.

Luis has been working non-stop for the past years bilang isa sa mga hosts ng mga shows ng ABS-CBN at hindi pa yata nababakante sa pagkakatanda namin. Sa tuwing may matatapos siyang programa ay may kapalit na agad na bago at madalas ay nagsasabay-sabay pa.

Sa ngayon, napapanood siya bilang host ng I Can See Your Voice.

vuukle comment

DANIEL PADILA

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with