^

Pang Movies

Julia may kakaibang demand pag may tampo kay Joshua

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Julia may kakaibang demand pag may tampo kay Joshua
JoshLia

Ngayon at Kailanman daw ang title ng bagong seryeng pagbibidahan ng JoshLia kasama si Iza Calzado ayon kay Julia Barretto, na sisimulan na raw i-teyping soon. Wala pa raw silang ideya kung sino ang magiging direktor ng nasabing serye, pero ang Star Creatives ang magpo-produce nito, mula na rin sa pangunguna ni Malou Santos.

Ang Ngayon at Kailanman ang unang teleseryeng pagbibidahan nina Julia at Joshua Garcia.

Kasalukuyan namang palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula nila ngayong I Love You Hater kasama si Kris Aquino.

Samantala, tinanong naman namin si Joshua kung paano ba siya mag-sorry kay Julia kapag may nagagawa siyang kasalanan, at ito lang ang sagot niya:

“Well, simple lang,” ani Joshua. “I tell her I’m sorry. Although, sabi niya sa akin, mas maganda raw siguro if I hand her a gift, habang nag-a-apologize ako sa kanya.”

Lumaking alaga ng kanyang uncle na isang pari sa Bauan, Batangas si Joshua.

Ganun pa man, ‘di daw pumasok sa isip niya na sundan ang footsteps nito, kung  mabait daw siya sa paningin ng ibang tao, ito raw ay dahil sa mga natutunan niya sa kanyang amain.

Tinanong namin si Joshua kung masasabi niya ba na isa siyang relihiyosong tao, at ang sagot niya ay oo. Pero hindi niya raw ito pinangangalandakan, basta raw naniniwala siya na mayroong Diyos na gumagabay sa atin araw araw.

Direk Carlo, balik trabaho na matapos ang dalawang taon

Matapos ang dalawang taong pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng kanyang mahal na asawang si Donna Villa, balik trabaho na ngayon ang director-producer na si Carlo J. Caparas.

Nagsisilbi siya ngayon bilang assistant director ng kanyang anak na si Peach Caparas na isa na ring direktor.

Ang Jacqueline Comes Home (The Chiong Story) ang unang ginawang pelikula ni Peach bilang isang direktor.

Ang nasabing pelikula ay hango sa totoong kuwento ng dalawang magkapatid na ni-rape at na-murder sa Cebu City na gaganapan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.

Pagmamay-ari ng mga Caparas ang Golden Lions Films at co-producer ni Peach dito ang Viva Films.

Xian at Kim going strong ang relasyon kahit ‘di magkatrabaho

RK Bagatsing admitted in an interview na starstruck siya kay Kim Chiu.

Wow, alam kaya ito ni Xian Lim na nagdiwang ng 29th birthday niya recently?

Si Xian ngayon ay isa nang Viva Artists Agency talent, habang si RK naman ay Kapa­milya pa rin at busy rin sa serye niya tuwing hapon, ang Araw Gabi.

Si Kim naman ay may movie na gagawin sa Star Cine­ma, na siyang rason kung bakit siya nag-back out sa pelikulang gagawin sana niya bilang entry sa 2018 Metro Manila Film Fest (MMFF).

Of Xian and Kim, patuloy pa rin ang pag-iibigan ng dalawa kahit nasa magkaibang management na sila.

Regine masaya sa ginawang pagso-sorry ni P. Digong sa Diyos

Speaking of pagiging relihiyoso, masayang masaya ngayon si Regine Velasquez dahil nag-sorry na ang pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos, sinabi nito kamakailan sa publiko ang mga salitang “Sorry God.”

Well, God is Good.

vuukle comment

JOSHLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with