Pia nakaharap ang kinababaliwang K-Pop star
Pinagtsitsismisan si Pia Wurtzbach ng fans ng Super Junior na inggit na inggit dahil may picture siya na kasama si Choi Siwon, ang pinakasikat na member ng popular K-Pop group.
Ang sabi ng fans, mas pinili ni Pia na panoorin ang concert ng Super Junior sa Mall of Asia Arena noong Sabado kesa mag-join sa show ng ASAP Live sa Honolulu, Hawaii dahil sa kagustuhan niya na ma-sight nang personal ang mga miyembro ng kanyang kinababaliwan na K-Pop group.
Kung ako man ang nasa lugar ni Pia, ganoon din ang magiging desisyon ko. Bakit pa ako mag-aaksaya ng panahon na pumunta sa South Korea kung naririto sa Pilipinas ang Super Junior?
Bakit pa ako gagastos kung libre ang ticket at VIP ang seat ko sa concert ng Super Junior sa Mall of Asia Arena.
I’m sure, kinilig nang husto si Pia dahil binanggit ng Super Junior ang name niya habang nagpe-perform ang grupo.
Korina nadagdagan ang followers dahil sa Super Junior
Hindi lang si Pia Wurtzbach ang Pinoy celebrity na nabigyan ng chance na makatsikahan portion ang Super Junior dahil pati si Korina Sanchez, nagkaroon ng pagkakataon.
Hectic ang schedule ni Mama Koring noong Sabado dahil naging judge siya sa It’s Showtime at kinagabihan, gora siya sa Mall of Asia Arena para sa concert ng Super Junior.
Nadagdagan nga ang followers ni Mama Koring sa social media dahil sa mga post niya tungkol sa Super Junior bilang marami pa rin ang mga Pinoy na hibang na hibang sa K-Pop group na matagal nang namamayagpag sa buong mundo ang singing career.
89th birthday ni Imelda, ?dinagsa ng mga nagmamahal
Happy birthday today kay former First Lady Imelda Romualdez Marcos.
May big party na inihanda ang relatives and friends para sa 89th birthday ni Madam, ang pinakamaganda na first lady sa Pilipinas.
Walang mag-aakala na 89-years old na si Madam dahil maganda pa rin ito at matikas ang tindig kaya siya talaga ang epitome ng kanyang favorite line na true, good and beautiful.
Siyempre, invited sa party ni Madam ang mga kaibigan niya. Si Manay Marichu Vera-Perez Maceda ang isa sa mga close friend ni Madam kaya imposible na mawala siya sa 89th birthday celebration ng dating unang ginang.
Imbitado rin si Joe Barrameda na naging close kay Madam noong dekada ’80. Full support si Joebarr kay Madam nang dinggin sa New York ang mga kaso ng fraud at racketeering na isinampa laban sa kanya as in araw-araw, nasa korte siya para dalhan ng mga pagkain ang former first lady.
Makulay, puno ng drama at kapupulutan ng aral ang life story ni Madam kaya puwedeng-puwede ito na isapelikula tulad ng Iginuhit ng Tadhana, ang bioflick tungkol sa buhay ni ex-President Ferdinand Marcos.
Ang Sampaguita Pictures, ang film outfit ng pamilya ni Manay Ichu ang nag-produce ng Iginuhit ng Tadhana na ipinalabas sa mga sinehan noong September 7, 1965.
Si Luis Gonzales ang gumanap na Ferdinand, si Gloria Romero ang Imelda at mga anak nila sa pelikula sina Vilma Santos bilang Imee, Chona Vera Perez Nakpil bilang Irene at as himself ang tunay na Bongbong Marcos.
Imagine, si Mama Vi ang gumanap na Imee sa Iginuhit ng Tadhana at sure ako na walang-wala sa isip niya noon na darating ang araw na papasok din siya sa mundo ng pulitika, gaya ng Marcoses.
- Latest