^

Pang Movies

Kris at bf sosyo sa bagong resto

Nitz Miralles - Pang-masa
Kris at bf sosyo sa bagong resto
Kris Bernal

MANILA, Philippines — “Yes” agad ang sagot ni Kris Bernal nang tanungin kung co-owned ng boyfriend niyang si Perry Choi ang bagong bukas na The House of Gogi Korean Barbecue Restaurant. Ang BF din ang chef ng resto na ang unang napiling pangalan ni Kris ay Seoul Meat, pero pinalitan ng The House of Gogi.

Nasa may Dapitan Lifestyle Complex ang resto na soft opening pa lang, pero sa rami nang nag-i-inquire, mukhang mas magtatagal ito kesa Meat Kris na burger ang specialty.

Samantala, si Jake Cuenca ang makakapareha ni Kris sa opening film ng nagbabalik na film company na Belle Films na sister company ng Universal Records at nakapangalan kay the late Bella Tan. May pamagat na Kontradiksyon ang pelikula na hindi pa sinasabi kung sino ang director.

Troy at Aubrey may napala sa paghuhubad

Sa lahat ng mga nag-congratulate kina Troy Montero at Aubrey Miles sa pagbubuntis ni Aubrey, pinakakwela ang congratulatory message ni Joyce Pring. Sabi nito, “Woot!!! Congrats guys!!! All the naked pics on IG now bears fruit.”

May napamura sa mensahe ni Joyce, pero marami ang nag-agree. Matatandaang bago i-announce nina Aubrey at Troy na buntis sila, ilang photos din ng dalawa na nude and naked silang dalawa ang pinost sa social media.

Marami ang nag-react negatively, pero may mga naniwalang it’s their choice at IG nila ‘yun, kaya bakit nga naman pinakikialaman ng mga nakikibasa lang.

Parang poster ng movie ang ginawang announcement nina Troy sa coming baby nila na “The New Roommate Coming 2019 at may baby shoes pang nakasabit. Sinabi rin ng dalawa na “We’re So Excited...Another Baby...Yahoo. I Wonder If It’s Gonna Be A Baby Boy Or A Girl. Either Way It Doesn’t Matter To Us. We Wii Love And Protect This Blessing With All Our Love..See You Soon!”

vuukle comment

KRIS BERNAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with