^

Pang Movies

Dating aktres na si Jennelyn Laygo, pumanaw na

Aster Amoyo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sumakabilang-buhay na ang dating actress at ta­lent manager at misis ng singer na si Michael Laygo na si Jennelyn “Joy” Gomez de Guzman-Laygo nung nakaraang Miyerkules, June 20 sa ganap na ika-5:15 ng hapon sa University Medical Center sa Las Vegas, Nevada kung saan naka-base ang mag-asawa at ang kanilang mga anak.

As early as September last year ay na-diagnose na si Joy ng TB meningitis (a life-threatening infectious disease that causes inflammation of the membranes that surround the brain and the spinal cord) na siyang dahilan ng kanyang pagpabalik-balik ng pagamutan ng Las Vegas, Nevada.

Dahil sa laki ng gastusin sa hospital, medical treatments at mga gamot, hindi nagkait ang mga kapwa Filipino singers ni Michael sa Las Vegas including Martin Nievera, Lani Misalucha, Society of Seven (kung saan miyembro si Michael Laygo) at iba na magkaroon ng fund-raising show para makatulong sa maysakit na misis ni Michael nung nakaraang taon.

  Bukod sa mga singer, tumulong din ang ibang Filipino na dumalo sa nasabing fundraising show. Sobra itong in-appreciate ni Michael at ng kanyang mga anak.

Before her death, Joy has suffered multiple ischemic strokes.

Dahil tuluy-tuloy ang gamutan kay Joy, nagtuluy-tuloy rin ang dating ng tulong sa misis ni Michael hanggang tuluyan na itong mamaalam last June 20.

Si Michael ay personal na na-discover ng radio anchor, talent manager at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito at dinala ito sa veteran entertainment writer at talent manager na si Boy C. de Guia na siyang sumugal sa young singer then na si Michael sa pamamagitan ng Starbrigthers, isang youth-oriented show produced and hosted ni Kuya Boy (de Guia) at si Michael ang pangunahin na young talents na binigyan niya ng break. Na­ging recording artist din noon ng Alpha Records si Michael.

Nang makilala ni Michael  si Joy , nagpakasal ang dalawa and eventually ay saka sila nag-migrate sa Amerika.

Samantala, hanggang ngayon ay marami pa ring mga kasamahan ng dating manager ni Michael na si Kuya Boy de Guia ang clueless kung nasaan na ngayon ang veteran entertainment writer at dating TV host/producer.

Sofia may pa-concert sa Sangyawan Music Festival

Bising-bisi ngayon ang 18-year-old Viva recording artist na si Sofia Gonzalez Romualdez, ang panganay sa dalawang anak ng mag-asawang Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Romualdez at Alfred Romualdez sa kanyang sunud-suno na singing engagements sa Tacloban City.

Si Sofia ang guest-performer sa grand opening ng bagong hotel sa Tacloban, ang 158-room na Summit Hotel last Thursday na sinundan ng grand coronation night ng Miss Tacloban kinabukasan ng gabi, June 22 na ginanap sa Tacloban Astrodome.

On June 27 ng gabi ay may free concert si Sofia sa Sangyawan Music Festival na gaganapin naman sa Balyuan Amphitheater ng Tacloban na isa sa mga highlights ng taunang Sangyaw Festival bilang bahagi ng Tacloban Fiesta in honor of their patron saint na si Sto. Niño.

Inaasahan na kakantahin ni Sofia ang kanyang new single under Viva Records na pinamagatang Thinkin’ of U na siya rin mismo ang nag-compose.

Si Casey Lee, isang hotel and restaurant management senior ang nanalong Miss Tacloban na malaki ang posibilidad na sumali sa iba’t ibang national beauty competitions.                   

MICHAEL LAYGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with