^

Pang Movies

Sunshine at Ynez tuloy ang laban sa negosyante!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Sunshine at Ynez tuloy ang laban sa negosyante!
Sunshine

“See you in the court” ang dialogue ng dating sexy star na si Ynez Veneracion sa sinasabi ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn Dupaya na magdedemanda ito laban sa kanya.

Sinabi rin ni Ynez na hindi naman special child ang sinasabi ni Kathelyn na anak niya na idinamay at tine-text ng dating sexy star.

“Hearing impaired ‘yung 20-year old ni Kathy, hindi siya special child,” sabi ni Ynez na may hawak daw na mga evidence tungkol sa palitan nila ng text messages ng anak ng nasabing businesswoman.

Sabi ni Ynez, idedemanda rin daw niya si Kathelyn tungkol sa mga pinagsasasabi nito na laban sa kanya na nadamay rin daw ang kanyang minor na anak.

Sinagot din ni Ynez ang sinabi ng businesswoman na “laos” siya.

Naka-two TV series daw siya sa ABS-CBN, nakakapag-MMK (Maalala Mo Kaya) at Ipag­laban Mo, ‘yon daw ba ang masasabing laos?

This week daw magpa-file ng demanda si Ynez laban kay Kathelyn at may lawyer na raw siyang kinakausap.

Pabirong sinabi ni Ynez na hindi na si Atty. Ferdinand Topacio ang lawyer na kukunin niya at baka ma-“in love” pa siya rito.

Biro pa ni Ynez, masyado raw kasing matindi ang appeal ni Atty. Topacio sa mga babae.

May mga kliyente na kasi si Atty. Topacio na na-link sa kanya in the past.

Wala naman si Sunshine Cruz sa pa-presscon kahapon ng grupo nila laban kay Kathelyn.

Sabi ni Roy na assistant ni Joel Cruz, hindi na raw pinayagan si Sunshine ng manager na sumali pa sa pa-presscon nila kahapon.

Ang lawyer na lang daw ni Sunshine ang sasagot sa mga tanong tungkol sa problema ng aktres laban sa nasabing businesswoman.

Nilinaw naman ng kampo ni Joel na hindi expired Afficionado perfumes ang dineliver nila kay Kathelyn noon.

Sabi pa ni Atty. Topacio, hindi na nila kasalanan kung hindi na-dispose kaagad ni Kathy ang mga pabango at lumam­pas sa isang taon kaya nag-expire ‘yon.

Ano kaya ang masasabi ni Kathy tungkol dito?

Afficianado, handa pa ring kunin si Lloydie 

Dahil wala si Joel (Cruz) sa nasabing presscon, mga tao na niya ang tinanong tungkol sa sinasabing nag-expire na ang kontrata sa kanila nina John Lloyd Cruz at Erich Gonzales.

Sabi nila, may intention daw sila na i-renew sana si John Lloyd noong isang taon pa, pero sinabihan sila na magbabakasyon pa ang aktor at puwede lang hanggang April sila mag-negotiate, kaya binayaran na lang nila ng extension hanggang sa buwan na ‘yon ang lovey-dovey ni Ellen Adarna.

Kung magbabalik-showbiz daw si John Lloyd, may intention pa rin sila na i-renew ang contract nito dahil maganda naman ang performance sa market ng produkto sa Afficionado ng aktor.

Tungkol naman daw kay Erich ay nagbayad na sila ng extension at nagpa-finalize na rin daw sila para sa renewal ng kontrata sa kanila ng aktres.

Samantala, darating daw sa Monday si Joel para personal na sagutin na ang mga paratang dito ni Kathelyn.

Jinggoy binigyan ng pa-birthday si Dra. Loi

Ang birthday party kagabi ni Dra. Loi Ejercito ay ginanap sa isang hotel.

Isa sa mga namahala ang anak niyang si former Senator Jinggoy Estrada.

Pinakiusapan ni Jinggoy si Manay Lolit Solis na maghanap ng mga singer para makapag-perform sa party ng kanyang nanay.

In fairness, madali namang pinagbigyan nina Erik Santos at Kyla ang pakiusap na mag-perform sa nasabing birthday party.

vuukle comment

YNEZ VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with