^

Pang Movies

Cesar at Kat, ayaw tantanan ng mga tsismis

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cesar at Kat, ayaw tantanan ng mga tsismis
Cesar Montano at Kat de Castro

Kailan pa ba matatapos ang usapan tungkol kay Cesar Montano? Nag-resign na iyong tao sa TPB, hintayin na lang natin ang resulta ng imbestigasyon.

Kung may mali talaga, sigurado naman na sasampahan siya ng kaso ng Ombudsman. Kung wala naman, tapos na iyan. Pero hintayin natin ang resulta ng isang parehas na imbestigasyon.

Nasabi lang naman namin iyan dahil sa isang lumabas na balita na diumano, nagtangka pang makiusap si Cesar sa presidente na pantiliin siya sa puwesto hanggang sa susunod na buwan, at napilitan lang daw mag-resign nang sabihang kailangan na siyang magbitiw noon din.

Iyong mga ganyang balita ay masasabi nating hear say dahil wala namang record ng ganung usapan at hindi nakakatulong sa resolusyon ng kaso at mga problemang nalikha ng kanilang mga nagawang desisyon.

Ang isa pang itsinitsismis ay ang nag-resign na ring undersecretary of Tourism na si Kat de Castro na mayroon din daw ginawang napakamahal na infomercial.

Kung mayroon nga, eh di hayaan natin na lumabas iyan sa isang opisyal na imbestigasyon kaysa sa magbulung-bulungan tayo na wala namang ibubunga kahit na ano. Pati iyong pagsama kay Kat ng boyfriend niya, natsismis din. Imbestigahan muna kung ang pagsama ng boyfriend niya ay ginastusan din ng gobyerno o hindi.

Sayang kasi nawawasak ang isang napakahalagang departamento ng gobyerno. Papaano ba namang magtitiwala ang mga turista na dumayo sa ating bayan kung puro tsismis ng anomalya ang kakalat mismo tungkol sa ating Department of Tourism?

Hintayin natin iyong pamamaraang legal.

Dingdong wrong timing ang pagse-senador?

Noong press conference ng pelikulang Sid & Aya, natanong si Dingdong Dantes kung tutuloy nga ba siya sa pagtakbo bilang senador sa susunod na taon. Ang sagot niya, wala pa naman siyang desisyon at ayaw muna niyang pag-usapan iyon.

Ang natatandaan namin, nakapag-aral naman si Dingdong ng business administration, at naka-graduate sa West Negros University. Hindi namin alam kung distance study program iyon o binigyan siya ng special treatment dahil sigurado hindi siya nakakapasok araw-araw sa kolehiyo.

Kung kakandidato siya, siguro nga masasabi nating baka mali rin ang timing. Una, hindi maganda ang image ng mga artista na nasa pulitika sa kasalukuyan. Alam naman natin iyan dahil sa pagkakasangkot nga ng marami sa kanila sa katiwalian, bagama’t iyong iba under investigation pa naman. Pero may epekto iyan sa lahat ng mga artistang nasa pulitika, maliban na lang siguro doon sa mga naka-puwesto nang may magagandang record sa bayan, kagaya nga noong mga naibigay naming examples noong isang araw na sina Congresswoman Vilma Santos at Mayor Richard Gomez.

Gabby mas interesadong makasama si Janice kesa kay Sharon

Nag-post si Gabby Concepcion, o kung hindi man siya ay ang kanyang social media administrator ng isang throwback picture nilang dalawa ni Janice de Belen. Naisip lang namin, may plano ba na ang kanilang love team noong araw ay i-revive ngayon? Magkakasama kaya silang dalawa ulit sa isang pelikula o sa isang TV show? Aba magandang pag-usapan iyan, kaya lang baka may lalong magputok ang butse.

Alam naman ninyo ang mga intriga sa showbusiness, baka mabigyan iyan ng ibang kahulugan. Pero pag-uusapan iyon at makakatulong sa project kung may intriga man.

CESAR MONTANO

KAT DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with