^

Pang Movies

Tatay ni Aga na si Cheng Muhlach inatake, patay

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Tatay ni Aga na si Cheng Muhlach inatake, patay
Cheng

Isang malungkot na text message ang aming natanggap kahapon ng umaga. Yumao ang isa naming kaibigan, si Cheng Muhlach sa edad na 74. Ang sabi, inatake siya sa puso kamakalawa at isinugod sa St. Luke’s Hospital at kahapon nga ng madaling araw ay pumanaw na siya habang siya ay natutulog.

Maraming nagawa sa showbusiness si Cheng.

Naging artista siya noong araw, gamit ang tunay niyang pangalang Alvaro Muhlach. Pero hindi siya nagtagal bilang artista, mas i-nasikaso kasi niya ang produksiyon ng mga pelikula ng film company noon ang kapatid niyang si Amalia Fuentes, tapos siya rin ang nagpatakbo ng produksiyon ng mga pelikula ng isa pa niyang ka-patid, si Alex, iyong Wonder Films.

Lahat halos ng mga anak ni Cheng ay naging artista. Una na nga si Aga Muhlach at ang kapatid niyang si Arlene. Lumabas din kahit na sa ilang pelikula lamang si Albert. Ganoon din sina Almira, AJ, at ngayon nga si Andrew Muhlach. Iyon lang yatang naging anak niya kay Beth Bautista ang hindi naging artista.

Inatake na rin sa puso iyang si Cheng noong araw, kaya nga medyo nag-retire na siya sa trabaho, pero hindi pa rin niya maiwasan ang trabaho sa showbiz lalo na’t alam niyang makakatulong siya. Marami kasing kaibigan iyang si Cheng. Kung sabihin nga nila, sa lahat ng Muhlach, iyan ang PR man.

Madalas basta nagkikita kami niyan, panay ang paalala na mag-ingat kami dahil kagaya niya nagkaroon na rin kami ng atake sa puso. Marami siyang suggestions kung ano ang dapat kainin. Maski sa facebook, nagpapadala iyan ng private message at mga opinion niya sa aming mga posts, o sa aming mga naisusulat sa aming columns. Si Cheng iyong malayang magsasabi sa iyo kung ano ang talagang nasa loob niya. Kung minsan mi sunderstood si Cheng, pero sa amin isa siyang mabuting kaibigan.

Noong isang araw lang, nagpadala pa siya ng message sa amin “bahala ka na sa pelikula ng anak ko”. Ipinapaalala niya ang pelikula ni Andrew.

Nakakalungkot nga ang maaga niyang pagpanaw, pero talagang ganyan lang naman ang buhay. Una-una lang tayo. Ang mahalaga nabuhay siya nang tama at naging masaya ang buhay niya.

Award ni Pia ‘di alam ang basehan

Kinukuwestiyon pa nila kung bakit kasama si Pia Wurtzbach sa pararangalan bilang box office star eh sabit lang daw kina Vice Ganda at Daniel Padilla. Eh kasama siya sa pelikula eh. At saka bakit, ano ba ang basehan ng title na iyan?

Noong araw idineklarang box office queen si Vilma Santos matapos na makagawa ng limang pelikulang sunud-sunod na hit, ang nauna ay hinigitan sa kita ng kasunod. Ginawa nilang box office queen si Sharon Cuneta nang maka­gawa siya ng pitong pelikulang hit na sunud-sunod, at ang nauna ay hinigitan ng kasunod. Kailangan sirain mo muna ang record ng nauna bago ka sabihing box office queen. Iyong box office king noon, hindi na pinagtatalunan dahil kina FPJ (Fernando Poe Jr.) at Mang Dolphy.

Ngayon hindi mo na alam ang basehan niyang box office titles na iyan, dahil hindi mo naman masasabing industry award iyan. Iyong nagbibigay ng award ay hindi mga taga-industriya. Tiyak wala rin naman silang access sa totoong box office record ng pelikula na ang nakakaalam lang ng totoo ay ang sinehan at ang producers ng pelikula. Malamang bumabase lang sila sa press release.

Kaya hindi naman masasabing ganoon ka-kritikal ang pagbibigay ng ganyang title. Kung sino gusto nila bahala sila, after all award nila iyon. Nasa atin naman kung maniniwala tayo.

CHENG MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
ad