Pang-inis kay Kris? Pres. Digong nabighani sa ganda ng partner ni James Yap
Naku ano kayang masasabi ni Kris Aquino na parang na-mesmerized si Pangulong Duterte sa partner ni James Yap na si Michela Cazzola na isang secretariat specialist sa Asian Development Bank (ADB). Yup, sa nag-trending na photo kahapon ni Michela, nakatitig sa kanya ang pangulo habang nagse-selfie sila na ang caption ay ‘work hard.’
Sa isa pang post ni Ms. Michela ay video naman na paparating ang pangulo sa isang event na ang caption ay ‘boss in the house.’
Parang alam na ni Michela kung paano i-handle si Kris noh.
Weeks ago lang nang magwala si Kris at naglabas ng matinding galit kay James matapos nitong batiin ng happy birthday ang anak nilang si Bimby. Nadamay pati si Korina Sanchez na nag-interview kina James and Michela kung saan sinumbatan ni Kris pati si former Sen. Mar Roxas at saka pinuri si Pres. Digong.
Nag-reach out pa si Kris sa apo ng pangulong si Isabelle.
Pero pala si Michela, chummy chummy sila ni Pres. Digong.
May masasabi kaya si Kris?
Mark may pakiusap para kay Sarah
Nakikiusap na rin si Mark Bautista na tantanan na si Sarah Geronimo na pinagmamalisyahan pa rin ang pag-iyak sa kanyang concert sa Las Vegas last week.
Ka-join si Mark sa This 15 Me US tour ni Sarah para sa celebration ng 15th anniversary in showbiz ni Sarah G. “Sarah’s cry was natural and not orchestrated so let’s stop all the conclusions and unnecessary assumptions. Peace y’all!,” ang sabi ni Mark.
- Latest