^

Pang Movies

Salamat Dok naghatid ng serbisyo medikal

Pang-masa

MANILA, Philippines — Mahigit isang libo ang nabigyan ng serbisyong medikal ng Salamat Dok sa selebrasyon ng ika-14 na taon ng health show ng bayan sa Taytay, Rizal kasama ang anchors na sina Bernadette Sembrano-Aguinaldo, Alvin Elchico, at Jing Castañeda kamakailan lang.

Tulad ng gawain nila linggu-linggo, isang medical mission ang hinatid ng programa kasama ang mga katuwang na volunteer at organisasyon sa mga taga-Taytay, kung saan 534 ang nakapagkonsulta ng libre, 312 ang nakakuha ng libreng gamot, 75 ang nabunutan ng ngipin, 73 ang natuli, 93 ang nabigyan ng libreng salamin, 58 ang na-ECG, 23 ang nagpasuri ng dugo, 20 ang nagpa-ultrasound, at 18 ang naoperahan ng libre para tanggalin ang mga bukol o isaayos ang cleft lip sa pamamagitan ng Hospital on Wheels.

Kasabay nito, nakasama rin nina Bernadette at Alvin sina Department of Health (DOH) secretary Dr. Francisco Duque III at Philhealth OIC-vice president for corporate affairs Dr. Israel “Ish” Pargas sa talakayan tungkol sa mga isyu sa dengue vaccine na Dengvaxia. Dito nagkaroon din ng pagkakataon ang mga magulang na makapagtanong ng diretso sa mga opisyal ng gobyerno tungkol sa mga tulong na maibibigay nila sa mga mamamayan.

Ani DOH sec. Duque, importante ang ginagampanang papel ng Salamat Dok para maipalaganap ang tamang impormasyon sa mga Pilipino ukol sa pangangalaga ng kalusugan ng buong pamilya.

Sa programa, sinabi ni Alvin na silang mga pasyenteng gumaling sa kanilang karamdaman at nabago ang buhay ang nagsisilbing inspirasyon nila sa pagpa­patuloy ng kanilang adhikain. Nagpasalamat naman si Bernadette sa malasakit ng mga Kapamilyang volunteer at organisasyon sa kanilang patuloy na pagsuporta sa mga proyekto ng Salamat Dok. Ani Jing, pupunta pa ang program sa iba’t ibang lugar para maghatid ng libreng serbisyong medikal sa pamilyang Pilipino.

SALAMAT DOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with