^

Pang Movies

Jinkee, bagong sasakyan at LV bag ang pa-birthday kay Mommy D!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jinkee, bagong sasakyan at LV bag ang pa-birthday kay Mommy D!
Mommy Dionisia Pacquiao

Turning 68th years old si Mommy Dionisia Pacquiao sa May 15 pero binigyan na siya ni Jinkee ng advance birthday gifts.

Ipinamili ni Jinkee ang kanyang biyenan ng mga Louis Vuitton bag at ng bagong sasakyan.

Very lucky si Mommy Dionisia sa pagkakaroon ng manugang na kagaya ni Jinkee na generous, hindi maramot at mahal na mahal siya.

I’m sure, magkakaroon si Mommy Dionisia ng bonggang party sa birthday niya dahil ito ang madalas na regalo ng kanyang anak na si Senator Manny Pacquiao at ni Jinkee.

Tahimik na ang buhay ni Mommy Dionisia mula nang huminto siya sa pag-apir sa mga te­levision show at sa mga pelikula kaya wala nang alam ang mga tao tungkol sa mga nagaganap sa lovelife niya.

Interesado pa rin ang mga tsismoso at tsismosa na malaman kung going strong pa rin ang love affair ni Mommy Dionisia sa kanyang young boyfriend na si Michael Yamson.

Willie, tinanggihan ang mga alok na mag-mayor

May mga nag-aalok kay Willie Revillame na pumasok sa mundo ng pulitika sa susunod na taon pero hindi siya interesado at ayon ito sa isang tao na nakausap niya.

Kung kilala natin si Willie, mas gusto niya ng tahimik na buhay kaya wala talaga sa bokabularyo niya ang maging public servant.

Nakakatulong naman siya sa mga mahihirap sa pamamagitan ng kanyang game show sa GMA 7, ang Wowowin kaya hindi na kailangan na maging pulitiko si Willie.

Pero sure naman tayong lahat na kapag kumandidato si Willie na senador, malaki ang chance niya na mag-win.

Basta ako, si Vice Mayor Joy Belmonte ang iboboto ko na mayor ng Quezon City sa eleksyon sa 2019. Confirmed na tatakbo si Mama Joy at si Gian Carlo Sotto, ang anak nina Senator Tito Sotto at Helen Gamboa, ang running mate niya.

Baguhang pulitiko mas kailangan ng bayan

Naniniwala ako na kailangan ng mga pagbabago sa bansa natin at ito ang dahilan kaya suportado ko ang mga baguhan na pulitiko na nag-aambisyon na maglingkod sa bayan.

Panahon na para magpahinga at mag-enjoy sa buhay ng mga pulitiko na matagal nang nakaupo sa puwesto. Hindi puwedeng sila lang ang may kapasidad na maglingkod sa bayan.

Kahit artista pa sila, basta bagets pa, buo ang kredibilidad at mapagkakatiwalaan, may karapatan na magsilbi para sa lalong ikauunlad ng bansa natin.

Hindi dapat na minemenos ang mga artista na pumapasok sa public ser­vice dahil ilan sa mga good example sina Vilma Santos at Alfred Vargas.

Julie Anne gumawa ng kasaysayan nang mag-post sa mag!

Si Julie Anne San Jose ang cover girl ng May edition ng Cosmopolitan magazine at gumawa siya ng kasaysayan dahil siya ang huling cover girl ng print edition ng nasabing babasahin.

Nag-decide ang Summit media na isara ang mga print edition ng kanilang mga magazine para mag-concentrate sa digital edition.

Si Julie Anne nga ang last cover girl ng print edition ng Cosmopolitan kaya historic ito. Ang dami-daming nangyayari ngayong Mayo sa buhay ni Julie Anne dahil magdiriwang siya ng kanyang birthday sa May 17, mapapanood simula sa May 7 ang My Guitar Princess, ang bagong daytime te­levision series niya sa GMA 7 at siya nga ang pinakahuli na cover girl ng print edition ng Cosmopolitan.

MOMMY DIONISIA PACQUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with