Paolo parang Dolphy ang tingin ni Eric
Honored si Paolo Ballesteros sa pagpuri sa kanya ni direk Eric Quizon sa unang presscon ng My 2 Mommies ng Regal Films, na para raw siyang daddy niya (Dolphy) kapag umaarte na sa eksena at nagkamali at nagkaroon ng retake. Kapag nagkamali raw si Paolo, sa retake, iba ang sasabihin niya, kapag second time na, iba pa rin ang dialogue niya. Alam daw niyang ganoon ang daddy niya dahil naidirek na rin niya ang ama noon. Kapag daw kasi inulit mo ang dialogue, sigurado na hindi na matatawa ang manonood mo, kaya kahit daw ilang takes ang mangyari, iba-iba ang sinasabi ng daddy niya.
Humanga raw si direk Eric kay Paolo dahil sigurado raw natutunan ito ng actor -comedian sa daily niyang programa na Eat Bulaga, na dahil live lagi, mabilis siyang mag-isip ng adlib.
Kasama rin sa napuri ni Direk Eric sa kanyang cast, sina Solenn Heussaff, Joem Bascon, ang child actor na si Marcus Cabais na walang nag-primadonna sa set. Dumarating sila on time, kahit pa may previous commitment sila bago ang kanilang shooting. Kaya raw happy set sila lagi kapag may shooting, kahit pa maaga silang magsimula, kaya raw naman maaga rin silang natatapos.
Ang My 2 Mommies ay mapapanood na as a Mother’s Day presentation ng Regal Films in cinemas nationwide simula sa May 9, 2018.
KK nakaranas ng power interruptions
Nakakatuwa naman ang followers ng top-rating primetime drama series na Kambal Karibal hanggang sa team abroad, na puring-puri nila ang mahusay na acting ng bumubuo sa cast na sina Carmina Villarroel, Alfred Vargas, Marvin Agustin, Jean Garcia at mga youngstars na sina Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Jeric Gonzales at kasama na ngayon si Jake Vargas. Kaya ang inis nila nang magkaroon ng cable signal interruptions sa magkasunod na gabi na nanonood sila, kung kailan pa raw nasa height ng eksena. Kaya noong Tuesday evening, ginawa na lamang nilang biro na abangan daw kung magkakaroon muli ng power interruptions.
Ruru nasayang ang reservation Boracay!
Bukas na ang finale ng Sherlock Jr. kaya si Ruru Madrid, pagkatapos ng maraming hirap sa taping as Jack, ay magpapahinga raw muna. This week kasi, may mga call time si Ruru ng 12:00 midnight dahil ang isu-shoot niya ay ipalalabas din kinagabihan, pero wala siyang reklamo dahil kailangan niyang gawin.
Magbabakasyon sana si Ruru at gusto niyang isama ang kanyang buong pamilya sa Boracay. Actually, may reservation na raw sila, kaya lamang hindi na sila matutuloy dahil inabot na sila ng pagsasara ng tinaguriang island paradise simula ngayong April 26. Hindi niya pinanghinayangan iyon dahil gusto rin naman niyang malinis ang kapaligiran ng Boracay tulad nang una siyang makapunta roon.
- Latest